MISSION I:HOT AND COLD MOUNTAIN

6.6K 203 17
                                    

Chapter 69
Hot and Cold Mountain

Ryza POV

Napamulat ako ng aking mga mata ng may maramdaman akong malamig na hangin na dumapo saaking balat.

Dahan-dahan kong inangat ang katawan kong hinang-hina.

What happened?

Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng pangingirot mula ron. Nararamdaman ko ring malamig ang inuupuan ko ngayon, para akong nasa loob ng ref.

Nang mawala ang sakit ng ulo ko ay agad kong nilibot ang paningin ko. Puro puti, parang snow.

(O_O)!!

W-Wait! Snow? Snow nga talaga 'to!

Agad akong napatayo at tiningnan kung may kasama ba ako pero na disappoint lang ako dahil wala akong kasama dito.

Hays!

"Huh?" Napatingin ako sa may bandang gilid ko ng may mapansin akong nagliliwanag mula roon.

Ang bag ko at paniguradong yung libro nanaman ang nagliliwanag. Kinuha ko ang libro sa loob ng aking bag, pagkalabas neto ay agad na bumukas ang libro pero nagtaka ako dahil isang word lang ang lumutang.

Sandron

Ano yung Sandron? Feeling ko familiar saakin yung word na 'yun pero hindi ko matandaan kung saan ko nakita. Basta feel ko talaga nakita o nabasa ko na 'yung word na 'yun.

"Aish! Bahala na nga!" Nilagay ko na lang sa loob ng bag ko yung libro tyaka kinuha ang bag ko at isinabit sa balikat ko.

Hindi ko alam kung bakit ako binibigyan ng librong iyon ng mga kung ano-anong salita na hindi ko naman maipahiwatig kung ano ang ibig sabihin. And duh! Nightblood History kaya itong libro, diba dapat ang nababasa ko dito ay tungkol sa mga sinauunang mga Nightblood's pero bakit mga nakakabaliw na words ang lumalabas sa librong 'to at lumulutang pa yung mga words. Ugh! Creepy lang nuh!

Mag uumpisa na sana akong maglakad pero bigla akong nakaramdam na parang may mainit. Napatingin ako sa paligid at puro nyebe lang ang nakikita ko, wala akong makitang dahilan para makaramdam ako ng init, unless mainit yung snow. Pero imposible naman iyon dahil na tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakita ng mainit na snow.

Hays! Ryza focus! Kailingan mong umisip ng paraan para makalabas dito. Asan na kaya yung makakasama ko, sana si Mary Joy o kaya naman si Shanlee.

Naglakad-lakad muna ako sa paligid para makapag inspeksyon, teka nga! Bundok ba 'tong kinatatayuan ko?

(+_+)...

Wahh!! Nasa Hot and Cold mountain ako nadistino! Sana hindi tama ang nararamdaman ko ngayon na sya ang makakasama ko! God! Mababaliw na ako!

Napahinto ako sa paglalakad ng may kung ano akong matapakan, sigurado akong hindi na nyebe ang natatapakan ko. Pag tingin ko sa baba....

(O_O)!!!

Oh my god!

"Wahh!!!" Napaupo ako saaking nakita at dahil na rin sa gulat.

Fuck! Mababaliw na talaga ako. Bangkay! Bangkay ang nakita ko!

Oops! Wag judgmental Ryza Brazil, hindi mo pa nga nararamdaman kung may pulso paba sya.

Ok! Kaya ko 'to, hahawakan ko lang naman ang pulsuhan nya at papakiramdaman kung may pulso paba sya o wala.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang