Chapter 112: Save her

6K 163 20
                                    

Killy POV. 


 "Ayos lang po ba kayo tata Benji? Wala po bang sumugod sainyo or what?" Tanong ko. 

 "Wala naman, lagi ring nagbabantay si Luke at si Lisha" Napatingin naman ako kila Luke at Lisha na naghaharutan "Bagay din sila, magkasintahan ba ang dalawang yun?" Tanong ni tata Benji. Nagkibit-balikat lamang ako.

 Sila nga ba? 

"Tata Benji maraming salamat sa tulong mo...... Sa tulong niyo. Hindi ko alam kung anong gagawin kung hindi ko kayo nakita" Niyakap ko si tata Benji 

"Walang ano man El Rica, masaya ako na may naitulong ako sainyo" Ako ang unang kumalas sa yakap "Aalis na ba kayo?" Naging malungkot ang itsura ni tata Benji 

"Opo. Aalis na po kami, pero susubukan po naming bumisita dito" Sabi ko 

 "Sige El Rica. Mag ingat kayo sa inyong pag uwi" Pagkatapos niyang sabihin yon may narinig na akong ungol ng dragon, pero laking gulat ko ng makitang lumandig sa harap namin si Superior kasama si GD. 

 (O_o)?? 

Paano nakarating dito si Superior? 

 "SUPERIOR!!!!" Sigaw ni Vam at tumakbo para yakapin si Superior. Ang malanding dragon ko naman ay masayang sinalubong ang yakap ni Vam "I miss you Superior" Sabi ni Vam habang nakayakap kay Superior 

'Ki eména mou leípeis Vam, sýntoma na eímai sýzygos mou'

[Translation:I miss you too Vam, my soon to be husband] 

Napailing nalang ako ng marinig ang tugon ni Superior kay Vam. Kahit ako lang ang nakakaintindi sa malanding dragon na 'to.  

"I will kill that dragon" Masamang tumingin si Shanlee kay Superior. 

"Go ahead, hindi kita pipigilan" Sabi ko kay Shanlee 

"I will surely kill that----AHHHH!!" Nagulat nalang ako ng makitang may nakatarak na espada sa tiyan ni Shanlee. Nakita ko rin na umilaw ang kahinaan niya na medyo natamaan ng espada. 

"Shanlee!!" Sinalo ko si Shanlee dahil bigla nalang siyang natumba "GUYS! SI SHANLEE!" Sigaw ko. Tumingin-tingin ako sa paligid at nanliit ang mata ko ng mahagip ng mata ko si Jemuel. Mukhang nakarecover na siya sa ginawa kong pagkuryente sakanya at mukhang siya rin ang may gawa nun kay Shanlee. 

"SHANLEE!!" Agad na tumakbo si Vam papalapit kay Shanlee at halos mabaliw siya ng makitang bahagyang natamaan ang kahinaan ni Shanlee "N-No.... No!! T-This can't be real..... THIS CAN BE REAL DAMMIT!!" Tumulo na ang luha ni Vam. Ibinigay ko kay Vam si Shanlee. Nagkakagulo na sa paligid at naglalaban na rin ang lahat. 

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now