Chapter 21: Announcement

20.4K 659 75
                                    

Killy's POV.

Nang makita ko si King ay napangisi ako pero hindi pa ngayon ang oras ng paghihiganti. Mapapahiya rin kita balang araw at sa araw na ‘yon, maging ikaw na linuluhuran ng half blood students ay luluhod sa harap ko.

"Ms. Killy, anong eksena na naman ang ginagawa mo?" Malamig niyang tanong. Nawala wala ang ngisi sa mukha ko.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa ‘yo na hindi nga ako ang gumagawa ng eksena! Ayon oh!Tanong mo sa derector," sabi ko sabay turo sa walang malay na si Aimee bitch.

"What the h*ll Ms. Killy! You almost killed Ms. Edward!" Pasigaw niyang sabi sa akin na may halong pa-cool.

"E di tulungan mo Mr. Super Hero!" Mapang-uyam kong sabi at ngumisi. "Come on," sabi ko sa mga kasama ko at naglakad na paalis.

Letse siya! Mamatay na siya! ‘Kala niya ang gwapo niya?! Akala niya lang ‘yon pero HINDI!!! KING*na nIya!

Nang makarating kami sa kwarto ko, padabog kong binuksan ang pinto at pumunta sa kusina para magluto.

"A-Ahh K-Kill?"

"What?!" Napalakas ang boses ko na ikina gulat niya. "S-Sorry." Bad trip talaga!

"A-Ahm gusto ko lang sabihin na ang lakas ng apoy oh.." Sabay turo sa kalan ko, kaya naman napatingin ako doon at tama nga si Jane. Ang lakas ng apoy sa kalan kaya naman dali-dali ko itong hininaan.

"Sorry, wala ako sa sarili ko," Paghingi ko ng pa-umanhin.

Nabwi-bwiset talaga ako kay Liam! Makahanap lang talaga ako ng pwedeng ipanlaban sa kaniya tingnan natin kung sino ang mapapaalis sa akademyang ‘to!

Nag-focus na lang ako sa niluluto ko, baka kasi masunog pa kakaisip doon sa King Liam na ‘yon! Wala naman akong mapapala sa kaniya! Nang matapos akong magluto nilantakan na namin kaagad.

"Kill ano ‘to?" tanong ni Jane. ‘Yong niluto ko ang tinutukoy niya.

"Tinola," maiksi kong sagot. Tinapos nanamen ang pagkain at iniligay ang aming pinagkainan sa lababo. Mamaya ko na lang huhugasan.

Nagpaalam na si Vam dahil may gagawin pa raw siya sa Spider's Headquarters. Habang kami naman ni Jane ay naglalaro ng baraha.

"Ano kaya sa tingin mo ang susunod na mangyayari kapag sinalakay tayo ng mga Dark Students?" tanong ni Jane. Ano nga kayang mangyayari? Siguro hindi naman ‘ata ganon kalala kasi naririto naman ako at ang mga taga-Heaven University naman daw ay tutulungan kami, so walang naman sigurong magiging problema.

"Hindi natin masasabi." Nagpatuloy na kami ni Jane sa paglalaro ng baraha hanggang sa maggabi na at papasok na kami. Nagpaalam na si Jane sa akin dahil mag-aasikaso na raw siya.

Ako naman ay pumasok na sa banyo upang maligo.

♪♪♪I'm bulletproof, nothing to lose
Fire away, fire away
Ricochet, you take your aim
Fire away, fire away
You shoot me down but I won't fall
I am titanium
You shoot me down but I won't fall
I am titanium

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon