Chapter 123: Jemuel's Father

5.7K 150 22
                                    

Killy's POV.


"It's been a long time Jemuel. Akala ko habang buhay ka na magtatago sa ilalim ng palda ng nanay mo" Sabi ko habang nakatingin sakanya ng masama.

"Nag-aantay lang ako ng tamang panahon para magpakita sayo. Kung alam mo lang kung gaano ako kating-kati na makita ka"

"Wow. Big word, para kang boyfriend ko kung magsalita. 'Wag mo sabihing hanggang ngayon pinaninindigan mo parin yung 'i like you Killy' mo"

"It's true, I really like you. Pero kailangan kong mamili, ikaw o ang pahihiganti namin" Diretso siyang nakatingin sa mata ko at napakaseryoso niya "Syempre mas pinili ko ang paghihiganti namin, wala naman akong mapapala sa 'yo. May Liam ka na at base sa nakikita ko talagang mahal na mahal mo siya" Tumingin siya sa nakalutang na si Liam.

Aish! Nakalimutan kong ibaba si Liam! Kanina pa pala siya nakalutang. Napailing nalang ako dahil sa katangahan ko at ibinaba na si Liam.

Agad naman siyang tumakbo papunta saakin.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango ako habang nakangiti.

"Ehem!" napatingin kami kay Jemuel ng tumikhin siya "Gusto kong purihin ka Killy, napakagaling mo talaga. Natalo mo ang pinakamalakas kong kampon. Hindi ko alam kung paano mo nakuha ang core ni Katalina. Gusto kong malaman kung paano mo nakuha ang core niya sa loob lamang ng limang segundo"

"Simple lang. Ginamit ko ang Igley power ko at ang Scarlet green eye. Sinadya kong bagalan ang aking pagbibilang habang pinamamahid ko ang katawan ni Katalina gamit ang aking Scarlet Eye, kinailangan ko talagang bagalan ang aking pagbibilang para maka-pag-focus ako kahit konti. Nang naging manhid na ang kanyang katawan ng hindi niya nalalaman, saka ko ginamit ang Igley power ko para makuha ang core niya"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon