Chapter 118: Her death

5.7K 158 11
                                    

Killy's POV.

Ibang klase rin ang academy na 'to! Halos malibot ko na hindi ko parin makita kung nasaan na yung pesteng covered court na yun! Peste kasing Jenny na yun eh! Kung sinabi niya sana kanina kung nasaan ang covered court edi sana hindi ako naliligaw ngayon!

(-_-)

And yes, naliligaw nga ako. Hindi ko alam kung saang lupalop ako ng akademya napunta!

"Nasaan na ba ako?" Tumingin-tingin ako sa paligid. Ang dilim kaya wala akong masyadong makita "Ano ba namang buhay 'to! Late na late na ako!" Naisip ko na magteleport nalang pabalik sa kwarto ko at gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil ngayon ko lang naisip ang idep
yang yun!

But.....

"KILLY!!!" Magteteleport na sana ko pabalik sa kwarto ko ng biglang may tumawag sakin.

(O_O)

Oh my god! I'm safe!

"Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap" Sabi ni Liam habang may hawak siyang flashlight "Ano bang ginagawa mo dito? Doon ang covered court, hindi dito" May tinuro siyang dereksyon pero hindi na ako nag abala pang tumingin kung ano mang dereksyon 'yon.

"Malay ko ba sa school na 'to, hindi ko makabisado! Ang laki tapos ang lawak pa. Aabutin ka 'ata ng ng isang buwan bago mo malibot ang akademyang 'to" Dapat talaga sa gymnasium nalang ginanap yung birthday ni Mom, edi sana hindi na ako naligaw.

"Tara na nga, kanina ka pa hinahanap ng Mom mo" Napansin ko ang papagiging cold ng boses ni Liam. Hindi ko alam kung bakit, wala naman akong ginawa sakanya.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad, sumunod naman ako sakanya. Habang tinatahak namin ang daan papuntang covered court, napansin ko na ang layo na pala ng napuntahan ko at ramdam ko rin ang malamig na aura ni Liam.

"My King? May problema ba?" Tanong ko, nabibingi na kasi ako sa sobrang katahimikan. Ang ineexpect ko kasi ay tatakbo siya papunta saakin at yayakapin ako, magpapout siya at sasabihin niya saakin kung gaano siya nag-alala. Pero hindi eh, parang hindi nga siya si Liam "Hey. May problema ka ba?" Tanong ko ulit ng hindi niya sagutin ang una kong tanong.

Napatigil ako sa paglalakad ng tumigil din siya. Hindi naman siya humarap saakin at nanatili lang siyang tahimik.

"Liam, okay ka lang ba?" Hahawakan ko na sana siya pero napatigil ang kamay ko ng biglang siyang magsalita.

"Bakit ba..." Sabi niya.

"Ha?" Hindi ko siya maintindihan

"Bakit ba ganyan ka? Bakit ba parang wala lang sayo ang nararamdaman ko?"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now