Chapter 83: Welcome new half blood students

8.5K 241 28
                                    

Jane POV.

Natapos na kaming kumain sa cafeteria papunta na kame ngayon sa kwarto ni Kill. Nakakatuwa nga dahil bumalik na sya.

(^_^)

"Kill ano ba'ng gaawin natin sa kwarto mo?" Tanong ko

"Wala naman, may aasikasuhin lang" sabi nya

"Tulad ng ano?" Tanong ni Vam

Napabuntong hininga sya "Pwede ba akong magpakatotoo sainyo?" Tanong nya

"Oo naman" sabay naming sabi ni Vam.

Bumuntong hininga ulit sya "Hindi kase ako ang dating Killy na nakilala nyo. I change a lot, alam kong napapansin nyo 'yun pero hindi nyo lang pinapansin, nagpapakatotoo na ako kaya please lang magpakatotoo na rin kayo" sabi nya.

Nawala ang nakapintang ngiti saaking muka ng sabihin iyon ni Kill. Oo napapansin ko ang pagbabago nya pero hindi ko nalang ito pinansin.

"Anong ibig mong sabihin Lly?" Tanong ni Vam

"Lumayo na kayo saakin" seryosong sabi nya habang hindi nakatingin saamin.

"Kill ano bang pinagsasabi mo?!" medyo naiinis na ako

"Jane ikaw ang pinakamalapit saakin. Alam kong alam mo na hindi na ako masaya na makasama kayo" seryoso parin syang at hindi parin nakatingin saamin ni Vam.

"Hindi totoo 'yan Lly, nagsisinungaling ka lang. Ni hindi ka nga makatingin saaming dalawa" sabi ni Vam na halatang nagpipigil ng inis.

Nagulat nalang kaming dalawa ng tumingin sya sa mga mata namin. Ang katagang sinabi ay tumagos sa puso ko.

"Tama na, hindi ko na kayo gustong makasama. Mga pabigat lang kayo sa buhay ko" seryosong sabi ni Kill habang nakatingin sa mata naming dalawa ni Vam

Tumalikod na sya at naglakad paalis. Naiwan kami ni Vam na tulala. Hindi ko namalayan na may tumulong luha na pala sa mata ko.

"V-Vam totoo ba ang sinabi ni Kill? Hi-Hindi naman diba?" Napipiyok na tanong ko

"Hindi ko alam Jane, baka nga tama sya. Pabigat lang tayo sakanya" sabi ni Vam habang nakayuko.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now