Chapter 89: Laging war

6.9K 169 10
                                    

Lamela POV.

Nagising nalang ako ng may maramdaman akong malambot sa likodan ko. Tumayo ako at doon ko lang napag-alaman na nasa kama pala ako, agad kong tiningnan ang paligid.

(>_>)..... Tingin sa left

(<_<)..... Tingin sa right

(O_O)!!

What the!!!!!

"KYAHHHHHHH!!!!!" Sigaw ko

Asan ako?! Asan ako?! ASANNNN AKOOOOOO?!!!!!!!!!!

"KYAHHH!!!" Lalo akong napasigaw ng may makita akong lalaking nakatapis lang ng tuwalya.

My virgin eyes!!

"Ano ba'ng nangyayari sayo at sumisigaw ka?" Tanong nung lalaking gwapo at nag-aalalang lumapit saakin.

Napanganga ako ng makita ko ng malapitan ang abs nya.

(>_<)!!

Wahh!! Snap out of it Lamela!! Wag kang malandi.

"S-Sino ka?! Na-Naasaan ako?! A-Anong ginawa mo saakin?!" Sunod-sunod na tanong ko habang naka iwas ang paningin ko sakanya pero yung mata kong malandi ay ayaw makisama! Naka tingin parin sa ulam!

Ugh! Lamela naman! Wag ka sabing malandi!

"P-Pwede bang magbihis ka? Babae ako tapos nakatapis ka lang ng tuwalya! Ang bastos mo naman!" Sabi ko

"Sorry, ikaw kase sumigaw ka kaya nagmadali akong lumabas ng banyo. Muntik ko na ngang makalimutan na magtapis ng tuwalya" Sabi nya at nag bihis sa loob ng banyo.

Paglabas nya ay parang gustong lumuwa ng mata ko. Maya-maya rin ang paglunok ko.

Ang gwapo nya. Muka syang anghel na ibinaba ng langit para sagipin ako.

"Pasensya ka na at dito kita dinala sa kwarto ko. Hindi ko kase alam kung saan ang kwarto mo" Sabi nya.

"Sino ka ba? Tyaka paano mo ako nadala dito?" Tanong ko

"Hindi mo naalala? Muntik ka ng marape kagabi" Sabi nya "Tinulungan kita at yung rapist napatay na ni ate'tukayo ko" Aniya pa.

"Pangatlong beses ko na 'to itatanong. Sino ka ba?" Tanong ko

"I'm Steven Luke Nightblood" Nakangiti nyang sabi "Ikaw? Anong pangalan mo?" Tanong nya

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now