Chapter 9: Meet the King

23.3K 757 43
                                    

Killy's POV.

"Ano 'yan?! Bakit may ganiyan?!" Inis na tanong ni Jane nang makitang may mga patay na ibon sa harap ng pinto ng kuwarto ko. May itim na papel din sa gilid ng mga patay na ibon kaya dali-dali ko itong pinulot.

'Your next'

Nakasulat ito sa isang kulay dugong tinta. Napangisi ako nang meron akong mapagtanto.

Ang lakas talaga ng loob nila. Mukhang hindi lang 'yong Aldrin Liam at Edwin Vam ang may lakas ng loob na pumunta rito sa kuwarto ko.

"Mukhang gusto niya talagang makipaglaro sa akin," bulong ko habang nakangisi.

"Sino naman?" Naguguluhang tanong ni Jane. Mukhang narinig niya ang ibinulong ko.

Napatingin ako sa may kanto na malapit sa kuwarto ko kaya mabilis kong kinuha ang kunai sa may tagiliran ko at ibinato sa nakasilip, tinamaan siya sa noo.

"Head shot," tanging nasabi ko.

"Ha? Anong head shot?" nagugulahang tanong ni Jane. Mukhang hindi niya nakita ang mabilis kong paggalaw.

"Over there." Itinuro ko ang kanto na malapit sa kuwarto ko. Pasimple akong nagpalinga-linga sa paligid. May nararamdaman akong ibang presensya.

"Ano namang meron doon?" tanong ni Jane.

"Well let see." Nakalilimang hakbang pa lang ako nang maramdaman kong walang Jane na sumusunod sa akin, kaya naman nilingon ko siya. "What the?! What's your problem Jane? Why don't you move?!" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Bakit ba nag-e-english ka ngayon? Anong nakain mo?" Natatawang tanong niya sa akin.

"Hindi ko nga rin alam." Natawa na lang kami pero mabilis nawala ang kasiyahan na 'yon nang maalala ko ang lalaking hinagisan ko ng kunai. Mabilis akong pumunta sa kaniya at nakitang nandoon pa rin siya at sakto ang pagkakatama ng kunai sa kaniyang noo.

"S-Sino g-gumawa n-niyan?" Bigla akong napatingin sa likod ko nang biglang magsalita si Jane.

"Jane naman! Nakakagulat ka!"

"Sino ang gumawa n'yan?" tanong niya muli pero hindi na nauutal ang kaniyang boses.

"Ako ang gumawa n'yan."

"Bakit hindi ko nakitang may hinagis kang patalim?" Hindi niya talaga makikita dahil mabilis ang pagkilos ko. Hindi na 'yon nakapagtataka.

"Baka malabo lang ang mata mo kaya hindi mo nakita," pagdadahilan ko.

"Hindi naman." Rinig kong bulong niya.

"Halika na, hayaan na natin 'yang lalaking 'yan."

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now