Chapter 61: Opened in reality

9.1K 244 2
                                    

Ryza POV


May mga tao palang ililigtas ka kahit na sinaktan mo sila. Katulad ni Jessie, sinalo nya ako mula sa pagkakahulog ko sa may hagdan. Mas pinili nyang iligtas ako kaysa pabayaan.

Napangiti nalang ako tyaka ulit nag hanap. Sa ibang book shelf naman ako naghanap, nag ingat na ako sa bawat hakbang ko, baka mafall nanaman is me.

Bababa na sana ako pero may napansin akong kakaibang libro, kinuha ko ito at tininganan.

"Nightblood's History" basa ko sa title.

Luma na ang libro, siguro mula sa kanunu-nunuan pa ni Killy itong libro. Pero......

Ano namang mapapala ko dito?

Ayoko namang alamin ang tungkol sa mga Nightblood dahil pambabastos iyon. Baka magalit sila saakin.

Ibabalik ko na sana ang libro pero ayaw na netong pumasok sa pinagkuhanan ko sakanya.

"Argh! Go inside!" Binali-baliktad ko na ang libro pero ayaw nya paring pumasok.

Nagulat nalang ako ng bigla itong mag liwanag, huminto ang oras at ang paggalaw ng lahat, kusang bumukas ang libro at lumutang ang mga letra.

"Sa lahat ng mission laging mayroong pagsubok, gumawa ng plano upang mapaghandaan ito"

Sumara ito matapos kong basahin ang mga lumutang na letra. Umandar na muli ang oras at gumalaw na ang mga halfbloods, kakaiba! Napaka mahiwaga ng librong ito.

Natakot naman ako kaya naman ibabalik ko na sana ulit iyon pero biglang nahulog ang katabing libro nitong hawak ko. Agad naman akong bumaba para kunin iyon pero nagulat ako ng makita ko ang nakasulat sa may pabalat.

"The Four Elemental Jewelry" basa ko dito, nanlalaki ang mata ko.

Nakita ko na!!!


"Guys! Nakita ko na!!" Sigaw ko, agad naman silang napatingin saakin tyaka bumaba sa may hagdan na inakyatan nila. Nang makalapit sila saakin tyaka ko inabot ang libro kay Vam.

"Ito na nga" sabi nya "Kaylangan nating malaman ang nilalaman nito, pero hindi dito sa loob. Maraming makakakita at makiki osyoso sa gagawin natin" sabi ni Vam.

"Wait, is that Jessie?" Tanong ni Mary Joy habang nakapoint ang hintuturo nya kay Jessie na nag hahanap ng libro

"Oo sya nga, pero anong ginagawa nya dito?" Pagkasabing-pagkasbi palang ni Shanlee na 'Anong ginagawa nya dito' ay bigla syang tumingin saakin kaya naman napatingin din saakin yung iba.

"What? Wala akong kinalaman dyan ah!" Depensa ko sa sarili ko

"Sinabi ba naming may kinalaman ka?" Nakangising tanong ni Shanlee.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now