Chapter 14: Finding Legendary Igley

22K 675 14
                                    

Shanlee's POV.

Ako nga pala si Shanlee Tan. Kasama ang pamilya ko sa Royal Families. May kapatid din ako, si Juliuse Tan. Matagal-tagal na rin ako rito sa Half Blood Academy. Hindi na ako istudyante rito. Ang totoo'y isa akong tagamasid, pinagmamasdan ko lahat ng mga ginagawa ng scorpion. At isa akong Great Igley.

Papunta ako ngayon sa Dean's Office, kailangan kong makausap si Dean. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng Dean's Office, 'agad akong kumatok.

"Come in." Rinig kong wika ng boses na nasa loob.

Huminga muna ako nang malalim bago pinihit ang doorknob at pumasok da loob ng opisina ng Dean.

"Pinapatawag n'yo raw ako?" tanong ko kay Dean.

"Gusto kong pumunta ka sa Heaven University. Sabihin mo kay Prince Zack na kailangan niyang pumunta rito dahil gumagalaw na sila."

"Talaga?! Pa'no mo nalaman? Kasi kasamahan ka nila?"

"Shanlee, ikaw talaga ang pinakagusto ko sa lahat ng istudyante rito. Pa'no mo nalaman na kasapi ako ng Dark University, ha?"

"Isa akong tagamasid, Cathy. Hinding-hindi mo maitatago sa akin ang pagkatao mo," sabi ko ng may halong diin.

"You can go now."

"Ngayon na kaagad?"

"Yes, now. Not tomorrow. NOW." Ma-awtoridad niyang utos.

Tinarayan ko lang siya at umalis na.

May pa-not tomorrow, not tomorrow pang nalalaman! Sarap ipalamon sa leon!

Pumunta ako sa kuwarto ko at nagpahinga. 9:56 na ng gabi. Hay! Nakakapagod! Pupunta pa ako sa Heaven University! I'm so exhausted!

Matutulog muna ako dahil pagod na talaga ako. Ipinikit ko ang aking mata at hinayaang mapunta sa mundo ng mga panaginip.

NAGISING ako nang mahulog ako sa kama. Medyo stupid ka do'n Shanee.

"Ang sarap na ng tulog ko, eh! Pesteng kama ka!" Malalim akong napabuntong-hinga bago pumunta sa banyo at naligo. Nang matapos ako ay nagbihis na ako at tiningnan ang oras.

5:43 AM

Wait what?! 5:43 AM na? Gosh! Ang haba ng tulog ko!

Lumabas 'agad ako ng kuwarto ko at lumipad. Yes, kaya kong lumipad, remember? I'm a great Igley. I can use wind to fly.

Sinasabayan ko ang hangin papunta sa Heaven University, wala akong makita dahil puro ulap. Napakakapal ng ulap para makita ko kaagad ang Heaven University. Buti na lang narito ang kaibigan kong hangin, ginagabayan niya ako papunta sa Heaven University.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now