Chapter 100: El Nebre thingy

7K 169 8
                                    

Killy POV.

Nang matapos akong magluto ay agad kong tinawag si Liam. Anong niluto ko? Malalaman nyo mamaya.

Nang dumating si Liam ay agad nagningning ang mata nyang magkaiba ang kulay.

"Kill ito ba yung duguan? Favorite ko na 'to eh" Masaya nyang sabi

(-_-)

Duguan? Seriously? Gusto nya ba na gawin ko syang duguan.

"Dinuguan 'to, hindi duguan" Sabi ko "Yung puso ko kase yung duguan" Bulong ko.

"Ha? Akong sabi mo Kill?" Tanong nya habang kumain.

"Sabi ko kumain ka na dyan baka sabihin mo pabigat at palamunin lang ako" Sabi ko.

Ngumuso sya "Alam ko namang hindi ko sasabihin sayo yun"

"Sige na kumain ka na dyan"

"Hindi mo ba ako sasabayan?"

"Mamaya na ako kakain kapag tapos ka na"

Napataas ang kilay ko ng makita kong ibinaba nya ang kutsara at tinidor na hawak nya. Seryoso syang tumingin saakin.

"Ganon ba ang galit mo saakin na pati pagkain ayaw mo akong saluhan?" Seryoso at may konting galit ang kanyang tono "Alam ko namang mali ang ginawa ko. Alam ko namang nagsaktan kita. Pero---" Sumabat ako.

"Alam mo naman pala bakit mo pa ginawa?" Matalim ang tingin ko sakanya "Wag kang demanding Liam, kung ayaw kong kumain kasabay ka wag ka nang maginaso. Wala na tayo, yan ang isaksak mo sa kokote mo. Kapag may sinaktan ka lagi mong tatandaan na may magagalit, minsan may mawawala pa sayo"

Bumuntong hininga sya "I'm sorry, nagalit lang naman ako dahil ayaw mo akong sabayang kum---" Sumabat ulit ako.

"Wala ka ng karapatang magalit. Dahil hindi na kita tinuturing na kahit na ano, kahit na kaibigan. Parang magkilala lang tayo, yun lang. Nothing more nothing less"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon