MISSION I:TWO WAY OR TO DEATH

7.2K 205 2
                                    

Chapter 65
Two Way or To Death

Vam POV.

'BOGSHHH!!!'

What the!!!

"What the heck is that?" Tanong ni Joy.

"Hindi ko alam pero parang bulalakaw ito na bumagsak dahil sa lakas ng impact at pagyanig ng  lupa" sabi ko.

Muntikan na kaming tamaan non, buti nalang at naging mabilis ang aming pagkilos kaya nakaiwas kame. Puro usok dahil sa lakas ng impact isama mo pa ang alikabok, kaya naman nakatakip ako sa aking ilong para hindi ko masinghot ang pesteng usok at alikabok na nasa paligid.

Nang nawala ang usok at alikabok ay agad kong tinutukan kung ano man ang bumagsak pero nadismaya ako dahil mukang bumaon sa lupa ang bumaksak na iyon, ang laki pa ng butas sa lupa.

"Grabe! Kung ano man ang bumagsak na iyon ay nasisiguro kong napakalake non" sabi ni Juliusw

"Hindi ano" sabi ni Jessie

"Sino ang itanong nyo" sabi naman ni Ryza

"What do you mean?" Tanong ni Mary Joy

"Mukang hindi bagay ang bumagsak kundi pure blood. Nararamdaman kong malakas sya dahil kakaiba ang aura sa katawan nya" Sabi ni Ryza

"WAHAHAHAHAHA!"

Nagulat kaming lahat ng may biglang tumawa, mala dimonyo ang kanyang tawa. Hindi man ako natakot pero hindi dapat ako magpakakampanti dahil hindi ko kilala ang aming makakalaban.

"Aish! Ang dami talagang hadlang! Kainis!" Inis na sabi ni Shanlee.

"May mga bagay talaga na dapat hadlangan" sabi naman ni Ryza kaya naman tiningnan nya ng masama ni Shanlee "Charot lang hahaha!" Ngpeace sign pa si Ryza.

"Ano? Mag uusap nalang ba kayo dyan?!" Napalingon naman kame sa nagsalita non.

Laking gulat namin ng makita ang tatlong pure blood. Isang babaeng seksi, isang lalaking natipuno at isang di malamang pure blood.

(-_-)

Ewan ko ba kung anong gender nya, kug babae ba sya o lalaki o sadyang bakla lang sya.

"Ang tagal nyo namang mag usap! Maglalaro pa tayo" sabi nung babae "Pero bago yun magpapakilala muna ang magandang si ako hahaha!" Sabi nya at tumawa.

"Ang tagal mo namang tumawa! Kala mo naman talaga maganda, nagmamaganda lang naman!" Sabi ni Ryza na ikinaseryoso nung babaeng pure blood

"Anong sabi mo?" Seryosong sabi nung babae.

"Sabi ko maganda ako at nagmamaganda kalang" sabi ni Ryza habang nakangiti ng nakakaloko.

"Excuse me! Mas hamak naman na mas maganda ako kaysa sayo! Well I am Kara, itong lalaki na nasa gilid ko ay si Sok, hindi sya pala salita pero maladimonyo ang ugali nya. Ito namang katabi nya at si Mic, as you can see he's a gay" pagpapakilala ni Kara.

"Sabi ko na nga ba, kaya Kara ang pangalan mo kase PAKARA ka" sabi ni Ryza

"Pakara? Ano yun?" Tanong ni Kata

"Sorry wala kase ang salitang yun dito sa bundok" mapangasar na sabi ni Ryza

"Kara can you stop? Just start the game" bored na sabi nung Sok.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now