Chapter 97: Save her

6.8K 156 1
                                    

Ryza POV.

Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung tatahimik nalang ba ako o sasabihin ko sa mga Spiders ang nalaman ko, pero baka kapag sinabi ko ay bitayin ako ni Princess Killy.

Ugh! Ano ba ang tamang gawin?!

"Baby'mahal nakakahilo ka naman, umupo ka nga sa isang tabi" Sabi ni Jessie.

"I can't! Gulong-gulo na ako! Hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin"

"Ang tamang gawin ay tumahimik"

"A-Ano?"

Seryoso syang tumingin saakin "Kaylangan lang nating tumahimik baby'mahal may tiwala ako kay Killy pero wala sa mga trainers at ibang mga halfblood students" Seryoso nyang sabi.

"What do you mean?"

"Hindi mo ba napapansin? Hindi na mga assassins at mga Nightbloods ang nagtuturo saatin. Nagbago lahat. At ang hinala ko ay mga taga Dark University ang ibang mga halfblood students at ang mga professors at trainers"

"Alam ba 'to ni Killy?" Tanong ko

"Oo alam nya dahil maging sya ay hawak narin ng mga taga Dark U"

"A-Ano? P-Paano mo naman nasabi yan?" Ibang klaseng kaba ang nararamdaman ko.

"Narinig ko kasing nag-uusap si Killy at si Sir. Tanaka. Ang sabi ni Sir. Tanaka ay hawak daw nila si Queen Shasha, wala daw silang magagawa ni Prince Luke dahil sa oras na may gawin silang hindi magugustuhan ng mga Dark U ay sasaktan nila si Queen at idadamay nila tayo"

(-_-)

"Kaya pala pachill-chill ka lang dyan, alam mo pala lahat ng nangyayari tapos hindi mo man lang sinabi saakin. Nakakainis ka!"

"Sinabi ko naman sayo ah!"

"Kaylan?!" Inis na tanong ko

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now