Chapter 122: Lamela, Khey Lloyd and Katalina

5.8K 162 16
                                    

Killy's POV. 

"Shh! Wag kang maingay My Queen. May naririnig akong boses" sabi Liam.

"Hindi nga ako nagsasalita dito eh"

"Ayan. Nagsalita ka na"

(-_-)

"Iwan kaya kita dito" parang ewan lang 'to si Liam. Sampalin ko kaya siya para matauhan.

"Joke lang naman My Queen, hindi ka naman mabiro"

"Hindi ito ang panahon para magbiruan tayo Liam, nasa gitna tayo ng digmaan kaya----" napahinto ako sa pagsasalita ng may maramdaman akong paparating.

Alam kong naramdaman rin ni Liam 'yon. Parehas kaming tumingin-tingin sa paligid. 

Wala naman akong nakita sa paligid kaya naman napatingala ako "Sa taas!!" Mabilis kong tinulak si Liam at ako naman ay tumalon patalikod. 

*BOGSH!*

Sa pagbagsak ng kalaban mula sa itaas, kumalat ang napakakapal na alikabok sa paligid. 

Pinapakiramdaman ko lang kung may papalapit. Alam kong may kalaban sa paligid dahil nararamdaman ko ang aura niya.

Nang mawala ang makapal na alikabok sa paligid, saka lang naging naging malinaw saakin ang paligid. 

"Hey Killy. Im back"

"Lamela?"

"Naaalala mo pa pala ako. Akala ko nakalimutan mo na ako eh" sabi niya at mukhang natutuwa pa siya dahil naaalala ko pa siya. 

"Bakit naman kita makakalimutan? Eh isa ka sa mga taong gustong-gusto kong patayin"

"Really? Wow naman, hindi ko inaasahan yun" nakangiting sabi niya na parang hindi siya natatakot na kaya kong kunin ang buhay niya ngayon mismo "Hmm... Wala ka bang napapansin sa paligid? May nagbago o may nawala?" Nakangiti niyang tanong.

In-obserba-han ko ang paligid, wala naman akong nakitang pagbabago. Pero...

(O_O)!

Si Liam! Nawawala si Liam!

Masama akong tumingin kay Lamela "Saan mo dinala si Liam?!! Ibalik mo siya saakin!!" Sigaw ko sa kaniya.

"Woah. Easy lang, 'wag masyadong wild. Sige ka papangit ka niyan"

"Wala akong pakielam kung pumangit ako! Ibalik mo saakin si Liam kun'di babangasan ko 'yang mukha mo nang ikaw ang pumangit!"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon