Chapter 120: Preparation (Part I)

6.1K 152 21
                                    

Killy's POV.

Napabalikwas ako ng bangon ng biglang may marahas na kumatok sa pintuan ko. Halos sirain niya na ang pintuan sa sobrang pagkatok.

Tumayo ako sa aking higaan at agad na pumunta sa may pinto para pagbuksan ang kumakatok.

(-_-)

Baka kase mapatay pa ni Tagabantay kung sino man ang kumakatok na yun.

Nang bumukas ang pinto laking gulat ko ng biglang may yumakap saakin at sobrang higpit ng yakap niya.

(-_-)

Hindi niya ako mapapatay sa pamamagitan ng yakap. Oops! Hindi nga niya pala ako kayang patayin, ni saktan nga ng pisikal hindi niya kaya.

(-_-)

Kaya niya lang saktan ang puso ko.

"Thank god you're safe" Sabi niya at binitawan na ako "Akala ko kung ano ng nangyari sayo" Hiwakan niya ang pisngi ko. Kita ko ang pag-aalala sa kanyang mata na ipinagtaka ko.

"Bakit ba? Ano bang nangyayari sayo My King? Halos masira mo na ang pinto ko kanina" Sabi ko sa inaantok na boses. Gusto ko pang matulog.

"May nagbigay saakin ng sulat kanikanina lang, at ang sabi sa sulat ay may papatay daw sayo kaya pumunta kaagad ako dito dahil sa sobrang pag-aalala at takot" May tumulong luha sa kanyang mata "I won't let anyone kill you or touch you, hindi ko hahayaang mawala ka saakin, dadaan muna sila saakin bago ka nila mahawakan" Ani Liam.

"Don't worry, no one can kill me. Hindi ako mawawala sayo at hindi ko rin hahayaan na mawala ka rin saakin" Pinunasan ko ang kanyang luha gamit ang aking kamay.

"Natatakot ako, lalo na at mag-uumpisa na naman ang digmaan" Natigilan ako sa sinabi ni Liam.

"A-Anong sabi mo?" Nanlaki ang mata niya, siguro ay nadulas siya sa kanyang sinabi "Digmaan? Anong ibig mong sabihin Liam?" Bigla kong naalala yung sulat na ibinigay saakin ni Jemuel. Siguro siya rin ang magbigay ng sulat kay Liam para takutin ito.

"K-Kill....a-ano kase---" Napagtigil si Liam sa pagsasalita ng may magsalita sa kanyang gilid.

"The war between Half Blood Academy and Dark University" Si Kuya "May nagpadala rin ng sulat kay headmaster, nakasaad doon na magsisimula na ang digmaan bukas kapag sumikat na ang haring araw" Seryoso ang mukha ni Kuya "Kayong dalawa nalang ang inaantay sa gymnasium. Bilasan niyo na kanina pa nag-aantay si headmaster" Bigla nalang siyang nawala.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now