MISSION I:KILL THE LEADER

6.2K 181 7
                                    

Chapter 72
Kill the Leader

Shanlee POV

Napamulat ako ng may maramdaman akong humahagod sa buhok ko, pagdilat ko ay puro puti lang ang nakikita ko sa paligid. Pagtingin ko sa itaas ay nakita ko ang kapatid ko. Sya ata ang humahagod sa buhok ko.

"Pated? Asan tayo? Tapos naba ang misyon?" tanong ko

Nakangiti syang umiling.

"Kung ganon ay nasaan tayo?"

"Panaginip mo lang ito ate. Pero sa totoong buhay ay wala na kame, natalo kame sa laro. Dito ka lang muna hangga't hindi pa tapos si Ryza"

Natigilan naman ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? Anong panaginip? Anong totoong buhay?

"Ate promise mo na matatalo nyo ang mga Sandron. Matapos nyo ni Ryza ang misyon. Promise me ate"

"B-Bakit ba ganyan ka magsalita? Bakit parang wala kana. Buhay kapa naman diba?" Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mata ko kaya naman niyakap nya ako "J-Juliuse buhay kapa diba? Panaginip lang 'to, kapag gumising ako ay makikita parin naman kita diba?" kumalas ako sa pagyayakapan naming dalawa.

Nakangiti syang mapakla "Hindi ko alam ate"

"A-Anong hindi mo alam?"

"Natalo kame ate, napatay nila kame. Ngayon ay hindi namin alam kung makakabalik pa kame. Pero kung hindi na ay ito ang tatandaan mo ate" ngumiti sya saakin ng matamis at pinunasan ang luha na timutulo sa pisngi ko "Mahal na mahal kita, kayo nila Mama at Papa. Wag kang malulungkot kapag nawala na ako, maging masaya ka dahil dumating ako sa buhay mo. Don't cry because its over" hinaplos nya ang muka ko "Smile because it happened" at may tumulo ng luha sa nga mata nya pero mabilis nya itong pinunasan.

"J-Juliuse pano kung hindi kana bumalik? Ano nalang ang mangyayari saakin. Juliuse hindi ka pwedeng mamatay"

"Ate hindi natin mapipigilan ang ikot ng mundo, masasaktan lang tayo kapag hindi tayo sumabay sa agos ng buhay. Ang kaylangan lang nating gawin ay tanggapin ang nakatakda, maging masaya tayo sa mga masasayang alaala ng nakaraan. Ate maging masaya ka dahil dumating kami nila Mama at Papa sa buhay mo. Maging masaya ka kase nagkaroon ng gwapo, maasahan, matalino, at responsableng kapatid"

(-_-)

Ok na eh! Dinagdagan pa ng kahanginan. Hay! Juliuse kung hindi ka lang talaga mamatay, ako na mismo ang kukuha sa buhay mo. Ngayon apam ko na kung bakit sila magkasudo ni Jessie.

Dahil parehas silang naklunok mega electric fan. Ang hangin nila eh!

"J-Juliuse please promise me that you'll not gonna die"

Ngumiti sya "I can't ate, but there's one thing that I will be promise to you" nakangiti nyang sabi at tumayo "Yun ay, kung sakili man na hindi na ako makabalik, ipinapangako ko na babatyan kita. Hanggang duon na lang ang kaya kong gawin ate, sorry"

"No need to say sorry pated. Dapat pa nga akong magthank you sayo kase nagkaroon ako ng kapatid na katulad mo, hindi lang kapated, may clown pa haha"

Pero hindi sya tumawa na syang ikinatigil ko sa pagtawa.

"Kaylangan ko ng umalis" sabi nya habang malungkot na nakatingin saakin.

"B-Bakit?" Unti-unti nanamang namuo ang luha sa mata ko.

"Ryza did it ate, Ryza won. Kaylangan mo ng bumalik" and then unti-unti syang nawala.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now