Chapter 125: The end

9.1K 196 21
                                    

Third person's POV.

Flashback...

"Mom! Mom! Look! Look!"

"What is it baby girl?" Tanong  ni Shasha sa tatlong taong gulang na si Killy.

"My nails is getting longer and sharper" Namamanghang sabi ng batang Killy habang ipinapakita sa kanyang ina ang mabaha at matalim niyang kuko "Pinakita ko 'to kanina sa mga kalaro ko pero tumakbo sila palayo saakin. They are so scared at me and they shouted 'monster'. Am I a monster, Mom?" Inosenteng tanong ng batang Killy.

"No. Of course not. You're just unique baby"

"Unique? Ako po unique?"

"Yes baby, hindi lang nila nakikita ang kabaitang taglay mo. Basta lagi mong tatandaan na kahit kakaiba ka sa lahat, nandito pa rin kaming mga nagmamahal sayo at patuloy kang mamahalin kahit na ano ka pa"

***
"Monster! You're a monster!" Ang sabi ng mga bata habang pinagbabato ng bato ang batang si Killy.

"Stop it! I'm not a monster! Ouch! Stop it!" Iniharang ng batang Killy ang kanyang dalawang kamay sa kanyang ulo upang hindi matamaan ng bato ang kaniyang ulo.

"Hey! You kids! Stop hurting my sister!" Napatigil sa pagbato ang mga bata ng marinig ang boses ng sampung taong gulang na si Zack "You want to see a monster?" Unti-unting lumapit si Zack sa mga bata at napaurong naman ang mga ito. "ROAR!!"

"Wahhhh!!!! MOMMY!!" Nagtakbuhan ang mga bata ng magtunog liyon ang boses ni Zack.

"Ayus k-ka...l-lang...ba?" Tanong ng nauutal na si Zack. Hindi pa siya masyadong marunong magsalita ng tagalog dahil sa America siya lumaki. Nagkahiwalay silang magkapatid dahil tinangkang kunin ni Shin si Zack. Ngunit hindi naman ito nagtagal, agad din namang bumalik si Zack at si El Diablo.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now