MISSION II:THE EL NEBRE

6K 141 36
                                    

This chapter is dedicated to my classmate/baby sis Bianca Denise Barrameda.

Love you bebe aral mabuti. Di na tayo magiging classmate kase ililipat na ng section si ate Chris mo. Mag aral ka ng mabuti ha? Nakuha ko na yung gusto ko, naging top 1 na ako. Kaya ikaw gawin mo ang lahat para makuha ang laptop na matagal mo ng gusto. Mahal ka ni ate Chris bebe *mwuah*

******************************
Chapter 110
The El Nebre

Killy POV.

"Kill! Bakit mo sinaktan?" Tanong ni Liam. Lahat sila ay gulat ng sapakin ko ang Golden Dragon.

"Ang ingay eh!! Alangan naman hayaan ko s'yang basagin ang eardrums natin!" Sabi ko.

"May point ka pero dapat hindi mo sinaktan. Kawawa naman yung dragon" Sabi pa n'ya

Sinamaan ko ng tingin si Liam "Magsama kayo ng dragon na 'yan ah!!" Nanlaki ang mata ni Liam ng sabihin ko yun.

Nanlaki ang mata niya dahil sa kakaibang beauty ko.

(-_-)

Binola ko pa sarili ko.

"Uy! Joke lang naman eh, sige na saktan mo lang yung dragon kahit kaylangan mo gusto" Aniya. Takot naman pala!

"He! Magsama kayo! Wag kang lalapit saakin kundi ikaw sasaktan ko!" Napanguso si Liam at wala ng nagawa dahil tinalikuran ko na siya. Magsama sila ng maingay na dragon na 'yon! Ang panget nila! Char!

Aalis na sana ako pero may naalala ako na ikinatigil ko.

"Tata Benji, alam mo ba kung bakit nandito ang dragon na 'yon? Diba dapat binabantayan niya ang El Nebre?" Tanong ko at tanging iling lang ang sinagot ni tata Benji.

"Hindi ko alam. Mga ilang araw na rin s'yang pabalik-balik dito, umaalis din naman s'ya" Sabi ni tata Benji.

Napataas ang kilay ko "Ang ibig mo bang sabihin ay parang may hinahanap s'ya kaya siya pabalik-balik dito?" Tanong ko.

"Kung pagbabasihan ang kilos ng Golden Dragon ay parang ganon na nga" Sabi ni tata Benji. Napatingin ako sa Golden dragon, napailing nalang ako ng makatang pilit siyang nilalapitan ni Liam pero kinakalmot niya ang boyfriend ko, buti nalang nakaka iwas si Liam.

Nagulat ako ng biglang lumipad ang Golden dragon papunta saakin, sobrang bilis niya. Akala ko ang aatakihin niya ako pero pumunta lang pala siya sa tabi ko at inamoy-amoy ako. Napalayo naman ako dahil sa ginawa nung dragon.

"Aish! Nung bata ako muntik mo na akong tustahin tapos ngayon lalapit-lapit ka saakin! Lumayo ka nga!" Inis na sabi ko sa dragon. Pero imbis na lumayo ay mas lalo pa siyang lumapit saakin "Stay away!! I don't like you!!" Sigaw ko sa Golden Dragon. Bahagyang tumabingi ang ulo nung dragon na parang iniintindi ang sinabi ko.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ