Chapter 3: New school?

31.3K 878 42
                                    

Killy's POV.

T-teka! Ano 'tong basang pakiramdam na 'to?

Minulat ko ang aking mata at tumingin sa paligid. Nagulat na lang ako nang biglanh may sumaboy na tubig sa mukha ko at pinasukan pa ako sa loob ng ilong.

Lintik naman, oh! Umagang-umaga!

"What the h*ll?!" Napamura ako nang makita ko si kuya na may hawak na timba.

"Good morning baby girl," nakangising sabi niya sa akin.

"What the... Did you do this?!" Inis na tanong ko. Aish! So stupid Killy! Syempre siya lang naman ang may hawak ng timba, eh!

"Yes, I'm the one who did it. Binuhusan kita ng tubig, tulog mantika ka kasi," walang emosyon niyang sabi. 'Yong tipong natural lang sa kaniya ang nambuhos ng tubig kapag may natutulog.

"Argh! Kuya naman, eh!" Binato ko siya ng unan, at ang mokong! Naka-iwas!

"Sorry na." Tsk! Pasalamat siya bati na kami dahil kung hindi sinaksak ko na siya ng kutsilyo.

Napa-iling na lang ako sa naisip ko. As if naman na mamatay siya, demonyong guwapo pala 'to.

"Umalis ka na nga! Mamaya bangasan ko pa 'yang gwapo mong mukha!" Tinulak ko siya palabas ng kuwarto ko. Epal na nga istorbo pa ng tulog.

"Bilisan mo lang, kakain na." Napaka ano-'yong ano-'yong ano ba 'yon? Ah, basta 'yon na 'yon!

"Oo na! Peste!" Pumasok ako sa loob ng banyo para maligo.

Hindi ko inaasahan na malamig pala ang tubig! So cold!!!

Nang matapos akong maligo nagbihis na ako at sinuklay ang buhok ko.

"Kill! Bumaba ka na!" Sigaw ni kuya.

"Oo na!" Ganting sigaw ko, saka napapailing na bumaba ng kuwarto ko. Nagmamadali kasi 'yong guwapong demonyo rito sa bahay!

"Good morning nga pala sa nag-iisa kong prinsesa," sabi ni kuya at inilahad ang kaniyang kamay. Ayoko naman 'yon tanggihan dahil baka mapahiya siya kaya iniabot ko na lang 'yong kamay ko. Nang makarating kami sa hapag-kainan, nagulat ako sa dami ng pagkain.

Ano kayang mayro'n? May piyesta ba?

"Anong mayro'n? Bakit ang daming pagkain?" tanong ko kay kuya.

"Special ang araw na 'to para sa amin ni Mom dahil ang aming prinsesa ay kasundo na ulit namin," nakangiting sabi ni kuya. Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ngumiti ng ganito.

"Oh, nandito na pala ang aming prinsesa," sabi ni Mom at may nilabas na chocolate cake.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant