Chapter 8: The story of Killy's room

23.7K 729 17
                                    

Jane's POV.

"Ano ba'ng mayro'n sa kuwartong 'to? Pati ako nahihiwagaan dito." Palibhasa wala siyang alam tungkol sa akademya na 'to. Nakakaawa siya.

"Ikukuwento ko 'pag nasa loob na tayo." Tumango siya bilang pagtugon, saka pumwesto sa tapat ng pinto. Nang itinulak ni Kill ang pinto nagulat ako nang magawa niya itong mabuksan ng walang nangyayari sa kaniya.

How did she do that? Ni wala man lang nangyari sa kaniya! Nakakapagtakang hindi sumulpot ang—

"Hoy! Natulala ka diyan. Ano ba kasing mayro'n sa kuwartong 'to at takot na takot kayo?!" May pagkainis na tanong niya.

Masisisi niya ba kami? Eh, sa tuwing may nagtatangkang pumasok sa kuwartong ito ay hindi na nakakabalik pang muli, ni anino ng half blood 'yon ay hindi na nakikita kaya 'yong iba gustong ipagiba 'tong kuwartong 'to pero ayaw naman ni Dean.

Pumasok na ako sa loob pero bago pa man ako makapasok parang may nararamdaman akong barrier na pumipigil sa katawan ko na makapasok sa loob pero nawala 'yon nang bigla akong hawakan ni Kill. Naramdaman niya rin kaya?

"Ano ang kakaibibang pakiramdam na 'yon? Ngayon ko lang naramdaman 'yon, ah." Nagpalinga-linga muna siya bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa loob. "Ikuwento mo sa akin lahat ng alam mo tungkol sa kuwartong 'to dahil kung hindi..." Panandilaan akong hindi nakahinga nang itinutok niya sa akin ang matatalim niyang mga kuko. Bumilis ang tibok ng aking puso at hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. "Dahil kung hindi, hindi ka na makakalabas sa kuwartong 'to ng buhay." Ang lamig ng boses niya at nakakatakot, parang boses niya pa lang nakamamatay na.

"O-Oo s-sasabihin k-ko," nauutal kong tugon.

Pumunta siya sa kama niya at umupo, tinapik niya ang kama na parang sinasabi na lumapit ako at umupo sa tabi niya. Ginawa ko 'yon kahit na natatakot ako. "Umpisahan mo na, ayokong nag-aaksaya ng oras." Mukhang mahalaga ang oras sa babaeng 'to kaya kailangan hindi ko sayangin ang oras niya dahil baka mamatay ako.

"Ang kuwartong 'to. Ito ang kuwartong tinuluyan dati ng pure demon o mas kilala bilang El Diablo Nighblood. Gaya nga ng sabi ko sa 'yo no'ng nasa canteen tayo, hindi siya nagtagal dito dahil isa siyang pure blood pero simula nang umalis siya sa akademya na ito, marami ng nagka-interes sa kuwartong ito. Ang sabi raw nila kapag nakapasok ka sa kuwartong 'to magkakaroon ka ng kapangyarihang katulad ng kay El Diablo. Lahat naging sakim sa kapangyarihan pero ang kapangyarihang pinapaniwalaan nila ang magdadala pala sa kanila sa kamatayan." Kapag iniisip ko ang mga nangyari dati, natatakot pa rin ako, nakakakilabot ang mga nasaksihan ko.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now