Chapter 87: Same

6.7K 188 6
                                    

Lisha POV.


"Ano ba'ng problema mo?!" inis na tanong ko

"IKAW! IKAW ANG PROBLEMA KO!" sigaw nya

"Ano ba ang ginawa ko?! Wala naman akong ginagawa sayo!! Patas naman akong makipaglaban!!"

"Yun na nga! Kahit hindi mo alam ay nagagawa mo! Natatalo mo ako kahit wala kang alam! Nakakainis na lang na Nightblood ako pero natatalo lang ako ng isang Darknight na katulad mo!"

"Bakit saakin ka naiinis?! Bakit saakin ka nagagalit?! Nagpractice ako ng mabuti para lang matalo kita! Para lang makasali ako sa grupong Spiders! Pinaghirapan ko lahat! Tapos ang papalabasin mo ay nandadaya ako! Werpa ka pre!"

Natigilan naman sya. Napa-iwas sya ng tingin. Siguro ay napagtanto nyang mali talaga sya.

"Kung gusto mo talaga akong matalo, kaylangan may tiwala ka sa sarili mo, hindi yung magiging kampante dahil isa kang Nightblood. Lahat tayo ay may kahinaan, kapag nakita ng kalaban mo ang kahinaan mo ay iyun na ang katapusan" ginaya ko ang sinabi saakin ni Lamela "Pasensya ka na kung nasusungitan kita, masyado ka kasing mahangin. Masyado kang proud sa sarili mo. Oo Nightblood ka pero hindi naman 'ata pwedeng gamitin mo ang apilyedo mo, sa akademyang 'to lahat tayo pantay-pantay, walang malakas at walang mahina. Sana 'yun ang lagi mong tatandaan" sabi ko at iniwan sya.

Bumalik na ako sa gymnasium. Nang makabalik ako ay nagtataka naman silang tumingin saakin. Siguro nagtataka sila kung bakit hindi ko kasama si Luke, samantalang sabay lang kaming lumabas.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now