Chapter 117: Queen's Birthday

6K 157 6
                                    

Killy's POV.


"Gusto ko lang sabihin sayo na ingatan mo ang mga kaibigan mo at siguraduhin mo rin na totoo talaga sila sayo, baka kasi kaibigan nga ang tingin mo sakanila pero kalaban naman pala ang tingin nila sayo. May iba pang mga traydor na nakapalibot sayo"

Hanggang ngayon hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi ni Lamela. Naging dahilan rin yun para paghinalaan ko ang mga kaibigan ko, bawat kilos nila binibigyan ko ng kahulugan. Napaparanoid na ako.

"F*ck it Kill! Walang traydor sa mga kaibigan mo, sinabi lang sayo yun ni Lamela para guluhin ang isip mo" Sabi ko sa sarili ko.

Gulong-gulo na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko, hindi ko naman 'to pwedeng sabihin sa mga kaibigan ko dahil baka magalit sila saakin.

"You look like a zombie" Napatingin ako sa nagsalita.

(-_-)

"Ano bang ginagawa mo dito Kuya? Wala akong panahong makipag-usap sayo, marami kong iniisip" Sabi ko at nahiga sa kama. Wala rin akong tulog kaiisip kung sino pa ang ibang traydor dito sa akademya. Kaya hindi na ako nagtaka nung sabihin ni Kuya na mukha akong zombie dahil sa laki ng eye bags ko.

Mukha akong kalahating zombie at kalhating panda.

*CLICK*

Sinamaan ko ng tingin si Kuya ng makita kong may hawak siyang cellphone at nakatutok ang camera sa mukha ko.

Wengya talaga!!

"Buburahin mo yan o buburhin ko mukha mo" Pagbabanta ko sakanya.

"Minsan ka lang pumangit, baby girl. Para may remembrance ka, at may ibidensya naman ako kung sakaling sabihin mo na kahit kailan ay hindi ka pumangit" Sabi ni Kuya.

"Wala kang magawa? Magbigti ka nalang kaya"

"Walang makakapatay saakin, baby girl. No one can kill me"

"Lul! Mang-aagaw ng linya!" Linya ko yun eh! Agawin daw ba! "Lumayas ka na nga dito kung lalaitin mo lang ako!" Binato ko sakanya ang unan na nasa tabi ko, as usual nasalo niya.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon