Chapter 47: I'm sick

10.2K 293 23
                                    

Killy POV.


"E-Esperanza" sabi ni Liam pero nakapikit sya

Nagsasalita sya ng tulog.

"Liam, gising. Gumising ka nananaginip ka" inaalog ko sya pero hindi sya nagigising. Hinawakan ko ang kamay nya at ang lamig neto.

"E-Esperanza w-wag m-mo akong i-iwan" Liam

Parang kumirot ang dibdib ko sa sinabe nya.

Bakit?? Ano ba si Esperanza sa buhay ni Liam?? Sino kaba talaga Esperanza?

"E-Esperanza" paulit-ulit sinabe ni Liam ang pangalan nya "Esperanza!!" napatayo sya sa kama at nagising. Lumingon-lingon sya sa paligid. Huminto ang paningin nya saakin at tyaka naging gulat ang muka nya "K-Kill??" nauutal na tanong nya

"Bakit parang gulat na gulat ka?? May hinahanap kaba maliban saakin??" nagpanggap ako na parang walang narinig pero ang totoo ay parang gusto ko nang sumabog sa galit!!

"W-Wala naman" sagot nya

Hindi ko alam pero bigla nalang akong napayakap sakanya. Ayaw ko syang mawala saakin, nasasaktan ako kapag may ibang babae syang binabanggit at kasama.

"May problema ba Kill??" tanong ni Liam at niyakap narin ang pabalik

"Wala naman" pag sisinungaling ko

Ako ang bumitaw sa yakapan na iyon. Napatingin ako sa oras at mag aalasdose na ng madaling araw. Hindi na ako nakapasok.

"Hindi kaba papasok??" tanong ni Liam

"Bukas nalang siguro. Inaantok na ako ehh" humiga ako sa kama at tumalikod sakanya

Naramdaman ko rin namang ang paghiga nya sa likod ko. Niyakap nya ako. Pero bakit hindi ko mafell yung yakap nya?? Bakit kaylangan nyang mag sinungaling saakin ehh halata naman na iba syang hinahanap maliban saakin.

Bakit kaylangan mong gawin to Liam??

Napapikit nalang ako ng biglang may tumulong luha sa mata ko. Hindi ko nalang inisip yung mga sinabe nya at natulog nalang ako.

Nagising nalang ako ng may maamoy akong mabango. Tumayo ako sa kama pero napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit iyon.

(⊙_⊙)

May sakit ako!

Kinapa ko pa ang leeg ko at ang init neto. Shit!! Bakit ngayon pa??!

Pinilit ko paring tumayo kahit na nanginginig ang tuhod ko. Pag ako nagkasakit asahan mong manginginig ang tuhod ko.

Diniretso ko ito at pumunta sa banyo pero minsan ay natutumba ako. Naka dalawang tumba na ako at nung pangatlo ay nauntog ako. Ang lakas nang pagkakauntog ko parang rinig ata yung kalabog hanggang sala. Nabagsak din saakin yung vase kaya naman nag kalat yung bubug at yung iba naman ay napunta saakin.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now