MISSION II:THE HARDEST TRAINING

6.3K 151 1
                                    

Chapter 104
The Hardest Training

Killy POV.

Nasa sala kami ngayon, nagkukwento si Haraka tungkol sa mga kasanayan nya.

Ako? Naglalaro ako ng wordscapes sa phone ko. Wala akong balak makinig sa kadaldalan ni Haraka.

"Tapos nung pumunta kame sa mundo ng nga tao namangha talaga ako. Ang lalaki ng mga gusali doon pero mas malaki parin ang mundo natin" Pagkukwento ni Haraka "Ate saan bang lugar tayo pumunta non?" Tanong nya saakin

"Japan" Walang pake kong sagot

"Ayun! Sa Japan! Ang ganda ng lugar na yun. Kaso nga lang hindi ko maintindihan ang sinasabi nila"-Haraka

"Hindi ka kase marunong mag english. Kahit nga Greek hindi ka marunong" Sabi ko habang patuloy parin sa paglalaro.

"Itigil mo nga 'yang kadaldalan mo Haraka. Wala naman silang pake alam sayo, dada ka ng dada" Sabi ni mama

"Yan kase! Masyado kasing madaldal kaya napapagalitan" Sabi ko

"Mama! Si ate oh! Inaasar nanaman ako" Sumbong nya.

"Lilly wag mong pinapatulan 'yang si Haraka, mas matanda ka kaya dapat ikaw ang nagpapakumba" Sabi ni mama

"Opo" Magalang kong sagot.

"Lilly sino ba sakanilang lima ang nobyo mo?" Biglang tanong ni mama saakin

"Sino pong lima?"

"Yung limang lalaking kasama mo"

"Wala po, pero dating nobyo meron po" Pinasadahan ko ng tingin si Liam

"Talaga? Sino?" Tumalim ang tingin ni mama sa limang lalaking kasama ko.

"Sya po, si Liam" Sabi ko habang nakaturo ka Liam "Sya po ang dati kong nobyo"

Lalong tumalim ang tingin ni mama at dumapo iyon kay Liam.

This will be losts of questions.

"So can you tell me why did my granddaughter break up with you?" Taas kilay na tanong ni mama "Sinaktan mo ba ang apo ko?"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now