Chapter 26: Sexual Harassment

19.9K 651 26
                                    

Jane POV.

Kahit sabihin ni Kill na okay sya ay alam kong may nararamdaman sya at alam kung may kinalaman doon si...

"King aalis na tayo ano pang ginagawa mo dyan" Sabi ni Shanlee

Si King Liam, sya ang pinaghihinalaan ko, malakas ang kutob kong may sinabe sya kay Kill nung pumunta silang dalawa sa may headmaster's office

"Susunod nalang ako" malamig na sabi ni King, tinitigan ko sya sa mata at sinusubukan kong basahin ang isip nya pero parang nakasara ang isip nya, It's to hard to read his mind!!

Napaiwas ako ng tingin ng tumingin sya saakin, napatingin ako sa may pinto ng backstage ng gymnasium at nakita ko doon si Railey na naka cross arm at nakatingin saakin ng masama. Paktay na! Selos na sya nyan!

"H-Hi" Nauutal na sabi ko at umiwas ng tingin, aalis na sana ko pero bigla nya nalang akong hinawakan sa may braso ko "Aalis na ako" seryoso kong sabi sakanya pero parang wala syang narinig at ang sama parin ng tingin nya saakin "Ano ba aalis na ako!!" Inis na sabi ko sakanya

"Mag usap tayo doon sa kwarto ko" Seryoso nyang sabe at umalis na. Ano ang pag uusapan namen? Yung pagseselos nya dahil lang sa nakatitig ako kay King?! Kung ganon baliw na sya!

Dahil sa masunurin ako ay pumunta na ako doon sa kwarto ni Railey, binuksan ko ang pinto at nakita ko ang lukot na muka ni Railey, Ano kayang pinaglalaban ng muka neto??

"Ano bang gusto mong sabihin?!" May pagkainis na sabi ko

"May gusto ka ba kay King??" Inis na tanong nya na ikinagulat ko

(●△●)

WTF!!!

Selos nga sya! Katawa 'tong lalakeng 'to, tamang hinala!

"Bakit nag seselos ka?!" Taas kilay kong sabi sakanya, pero seryoso parin ang muka nya

"Oo dahil walang pwedeng mag may ari sayo kung hindi AKO lang!" Matigas nyang sabe, mas lalo akong nagulat sa inasta nya

(O_o)??

Problema neto?! May nakain ba sya kaya sya nagkakaganyan?

"Hoy Railey hindi mo ako pagmamay-ari walang nakasulat sa katawan ko na pag mamay-ari mo ako, kaya wala kang karapatang angkinin ako okay! Walang tayo!"  gulat na gulat sya ng marinig ang mga sinabe ko kaya nakaramdaman ako ng guilt! "S-Sorry" tanging nasabi ko at umiwas ng tingin sakanya, baka magalit saakin 'tong tukmol nato!

"Hay! Alam mo namang gusto kita at hindi lang gusto I think I love you" seryoso nyang sabe. Oo alam kong gusto nya ako malamang sinabe nya! Pero 'I Think' palang hindi pa syang siguradong mahal nya talaga ako, mahirap umasa!

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon