Chapter 79: She's back

8.4K 227 13
                                    

Ryza POV.

Maaga akong nagising sa hindi malamang dahilan, hindi naman ako maagang nagigising dati. Agad akong nagsuklay, nang matapos ako ay tinali ko ang buhok ko ng pa-ponytail. Naghilamos na ako at nagtoothbrush. Mamaya na siguro ako maliligo dahil naligo naman na ako nung makauwi ako dito sa kwarto ko nung alauna ng madaling araw.

6:34 palang ng umaga, pumunta nalang ako ng cafeteria para bumili ng hot choco at cinnamon roll. Nang makapasok ako sa loob ay walan masyadong tao, dalawang babae lang ang nakita ko na mukang may chismis na pinaguusapan. Hindi ko nalang sila pinansin pero napatigil ako ng may marinig akong pamilyar na pangalan.

"Sigurado ka? Nakita mo talaga sya?" Tanong nung babae naka red clip

"Oo nga! Hindi ako namamalikmata nung mga time na 'yun, as in nakita ko talaga sya" sabi naman nung babaeng naka blue na clip

"Diba matagal ng wala si Princess dito? Bakit sya bumalik? Ang bali-balita ay hindi na daw sya babalik dito"-Girl in red clip

"Promise girl, hindi ako nagbibiro. Nakita ko talaga sya ng dalawang mata ko"-Girl in blue clip

"Baka naman lasing ka lang nung mga time na 'yun"

"Hindi nga! Hindi naman ako masyadong uminom sa birthday ni King Liam, tyaka maaga akong umuwi"

Hindi ko na napigilang hindi magtanong. Kanina pa nangangati ang dila ko na magtanong sakanila. If I'm not mistaken they are referring to Killy. Lumapit ako sakanila para malaman ko ang pinauusapan nila.

"Pwedeng magtanog?" Tanong ko

Nanlaki pa muna ang mata nila habang nakatingin saakin, tumingin pa sila sa likod nila para masiguro na sila talaga ang kinakausap ko.

"K-Kami ba ang kinakausap mo?" Tanong nung babaeng naka red na clip.

"Oo kayo nga. Gusto ko lang sanang itanong 'yung nakita mo. Narinig ko kase ang pinagusapan nyo, asidente lang naman, wala naman talag akong balak na pangkinggan ang paguusap nyo pero narinig ko kase ang pangalan ng princess" sabi ko

"Ah 'yun ba? Oo nakita nya daw ang princess" sabi nung babaeng naka red na clip sabay turo sa kasama nya

"Pwede ko bang malaman ang pangalan nyo? Pwede mo rin bang ikwento kung paano mo nakita si Princess? Tyaka yung Princess ba na tinutukoy mo ay si Killy? Sorry kung marami akong tanong" gusto ko lang malaman kung kuniktado pa 'to doon sa mystery singer sa beerday---este birthday ni King.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now