Chapter 85: Practice makes perfect

8.3K 183 3
                                    

Lisha POV.


Maaga akong nagising para makapag ensayo. Hindi ko hahayaang si Luke ang manalo sa laban namin, kaylangan ako!

Agad ako nagbreakfast ng bread and milk. Nang matapos ako ay naligo kaagad ako, nagbihis ako T-shirt at jogging pants. Bago ako lumabas ng kwarto ko ay tumingin muna ako sa oras.

4:54am

Sisikat na ng araw Lisha, you have to train very very hard” sabi ko sa sarili ko.

Lumabas na ako ng kwarto ko, tulog pa ang roommate ko dahil maaga pa. Pumunta ako sa large court para doon magjogging. Inumpisahan ko munang magstretching, nang matapos ako ay tinakbo ko na ang large court.

2 hours later

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang bumukas ang pinto ng large court. Gulat na napatingin saakin ang mga halfblood students, mukang magba-basketball sila.

“Mag lalaro kayo?” Tanong ko

“Oo sana, pero kung hindi ka pa tapos pwede ka naman naming antayin” sabi nung isang lalaki

“Hindi sige maglaro na kayo, dalawang oras narin naman na akong tumatakbo. Sige aalis na ako, ingat kayo ha?” Sabi ko at tumakbo palabas ng large court.

Bumalik ako sa kwarto ko at nakita ko ang roommate ko na nag aalmusal.

“Morning” bati nya saakin

“Goog morning” bati ko rin sakanya

“Saan ka galing at pawis na pawis ka?” Tanong nya

“Nag jogging lang, gusto ko kasing sumali sa Spiders. Kaya kaylangan kong mag-ensayo”

“Ganon? By the way ako nga pala si Lamela Sanserval, hindi ako nakapagpakilala sayo kahapon kase wala ka naman dito”

“Oo doon kase ako sa kwarto ng kuya ko natulog. Ako naman si Alyssa Lisha Darknight”

“Darknight? Parang narinig ko na 'yun” pumusisyon pa sya na parang nag-iisip “Ah! Naalala ko na, sya yung pinakilala ni Princess Killy. Aldrin Liam Darknight, kaano-ano mo ang King?” Tanong nya

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now