Chapter 12: Tagabantay

22.9K 716 9
                                    

Killy's POV.

"Vam." Tawag ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Matanong ko lang, bakit ba may pumapatay sa school na 'to?" tanong ko sa kaniya na ikinatawa niya nang marahan.

"Dahil 'yon sa dating King."

"Dating King?" So mayro'n pa pa lang dating king maliban sa king ngayon.

"Oo, maliban sa king ngayon may dating king pa at ang king na 'yon ang nagpatupad na puwedeng pumatay sa umaga. Maging ang pasok natin na gabi, siya rin ang may gawa no'n. Kaya lahat ng istudyante rito ay galit sa kaniya." Ang cool niya kaya! Eh, bakit 'yong King ngayon parang walang nagawa? May aasahan ka ba sa manyak na 'yon?

"Anong nangyari sa dating King?" tanong ko

"Patay na siya." Nag-iwas nang tingin si Vam nang sabihin niya iyon.

"Bakit siya namatay?" Ang daming tanong sa isip ko.

"Aalis na ako may kailangan pa kasi akong gawin." Ang k.j naman nkto ni Vam, pero parang iniwasan niyang pag-usapan ang dating King.

"Vam, 'wag ka magagalit ha? May napapansin kasi ako sa 'yo..." sabi nga nila, curiosity kills.

"Ano 'yon?" tanong niya

"May koneksyon ka ba sa dating King? Kaano-ano mo ba siya? Saka bakit umiwas ka noong pinag-usapan natin siya kanina?"

"Malalaman mo rin 'yon, pero hindi pa ngayon." Bigla na lang siyang nawala at napagtanto ko na lang na nakabukas na ang bintana. Siguro doon siya dumaan.

Napabuntong-hinga na lang ako at humiga sa kama. Hindi ko maintindihan! Malalaman ko rin naman pala 'yong tungkol sa dating king pero bakit ayaw niya pang sabihin ngayon? Bakit hindi pa ngayon?

King? Bakit may gano'n sa school na 'to? Bakit 'yong mga school na napasukan ko ay wala namang gano'n?

Napatayo ako sa pagkakahiga sa kama nang marinig ang ilang katok sa aking pinto. Baka naman si Jane lang 'yong kumakatok, pero imposible! Takot siyang lumabas ng umaga. Sino naman kaya 'tong nilalang 'to?

Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako nang bigla niya na lang akong tapatan ng patalim sa aking leeg.

"Subukan mong mag-ingay, itatarak ko 'to sa leeg mo." Pagbabanta ng lalakeng nakamaskara at may tattoo siyang scorpion sa kaniyang leeg

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Onde histórias criam vida. Descubra agora