Chapter 22: Can't say

19.7K 637 51
                                    

Killy's POV.

[Basang-Basa Sa Ulan by Aegis]

Heto ako ngayon, nag-iisa
Naglalakbay sa gitna ng dilim
Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa—

"Ouch!" Nahinto ako sa pagkanta sa isip ko nang may biglang bumangga sa akin at take note, sadya ‘yon. "Problema mo maliban sa panget mong mukha?!" Inis na tanong ko. Nakangisi siya sa akin, wait a minute kaping mainit! Si Pinky ‘to ah!

"What sup bitch?" Bati niya sa akin. "Alam mo bang kinaiinisan kita?!" Inis na sabi niya sa akin.

"Hindi ko alam," pang-iinis ko.

"Well ngayon alam mo na na kina-iinisan kita at alam mo kung bakit?!" Lumapit siya sa akin kaya naman tumayo na ako, mamaya tapakan niya ‘yong damit ko. Ang hirap kayang maglaba!

"Hindi ko nga alam! Ang kulit mo! Patayin kita eh!" Ang huling sinabi ko ay bulong lang. Makuliti ‘tong babaeng 'to! Pa'no ko malalaman kung hindi niya sasabihin?! Baliw!

"Naiinis ako sa ‘yo dahil nakapunta ka na sa roof top ni King Liam habang ako, heto! Seen zone pa rin sa kaniya, UGH!! Hindi ko alam kung anong nakita niya sa ‘yo! Maganda naman ako, sexy, ano pang hahanapin nya?!" Inis na sabi niya at hinawi pa talaga ang kaniyang buhok patalikod. Parang gusto kong masuka no'ng sinabi niyang maganda siya! Hindi na ba siya naawa sa sarili niya? Ang panget niya kaya!

"Oh bakit sa'kin mo sinasabi? ‘Di ba dapat kay Liam?" Walang gana kong sabi sa kaniya. Tatalikod na sana ako pero may naalala akong dapat sabihin sa kaniya. "Oops! May sasabihin pa pala ako." Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi ko na lang siya pinansin. "Sexy ka lang pero wala kang ganda, kumbaga sa hipon, tapon ulo," mapang-asar kong sabi at nag-teleport na sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at naligo.

Nang natapos ako, agad akong nagbihis. May kaillangan pa ako gawin eh, ano ba nga ‘yon? Hindi ko na maalala... Ah basta! Kung ano man ‘yon, bahala na!

Pumunta ako sa Spider's Headquarters dahil nandoon si Jane at Vam. Marami na silang inaasikaso ngayon dahil nga pupunta na si kuya.

Walang ng katok-katok, binuksan ko na kaagad ang pinto na ikinagulat nila.

"Kill??" Gulat ang reaksyon ni Jane nang makita nila ako.

"Lly!!" Habang si Vam ay mukhang na-miss ako.

"Hello." Napatingin ako sa bandang gilid at nakita ko roon si... MARRY JOY! "What sup, Marry Joy," seryoso kong bati sa kaniya pero tinarayan niya lang ako.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz