MISSION I:THE THIEFS

6.2K 183 1
                                    

Chapter 75
The thiefs

Vam POV

"Jessie, Shanlee, Mary Joy alam nyo na ang gagawin nyo" sabi ko at tumango naman sila at tinungo ang kaharian ni Dyosang Sarna

"Vam may kakaiba akong nararamdaman sa palasyo" sabi ni Ryza

"May pamilyar na amoy din akong naamoy. Pero hindi ko mawari kung sino at kung kanino ko naamoy"

"Si Juliuse, anong gagawin natin sa kanya?" Tanong nya

"Hindi natin sya maasahan ngayon, unti-unting nilalason ang katawan nya"

(O_o)?‹------Ryza

"Anong ibig mong sabihin? Anong nilalason?" Naguguluhang tanong nya

Ipinaliwanag ko sakanya ang nangyayari sa katawan ni Juliuse. Napatakip sya sa bibig nya ng malaman ang tungkol sa Xonidon.

"K-Kung g-ganon ay m-maari s-syang m-mamatay?" Nauutal na tanong nya

"Hindi ko alam, hindi pa nasasabi saakin ni Shanlee kung may gamot ba dito"

"Bakit ngayon mo lang sinasabi?! Vam naman! Parang kapatid ko na si Juliuse, para nya na akong ate kung ituring. Kame ang pinakabata sa grupo, halos oras lang ang tanda ko sakanya. T-Tapos---T-Tapos ganito lang ang mangyayari?! Vam hindi pwedeng mawala si Juliuse, ginawa ko ang lahat mabuhay lang ulit kayo, tapos may mawawalang isa saatin. Hindi Vam! Hindi sya pwedeng mamatay!"

Niyakap ko sya upang sya ay mapakalma. Maging ako ay hindi nagugustuhan ang mga nangyayari, pero hindi naman ako diyos para buhayin muli si Juliuse. Hindi ako si Alsarie para mabuhay sya.

"S-Si A-Alsarie" tama sya nga!

Nanlaki ang mata ni Ryza nung tumingin sya saakin. Mukang naisip nya rin ang iniisip ko.

"Tama! Si Alsarie ang mahiwagang manggagamot. Sigurado akong kaya n'yang gamotin si Juliuse" sabi ni Ryza at nabuhayan kaming dalawa.

Si Alsarie ang mahiwagang manggamot na kayang gamutin ang ano mang uri ng sakit, hindi lang sakit. Kaya nya ring bumuhay ng patay. Isa syang dyosa katulad ni Dyosang Sarna, pero ayaw nyang tinatawag syang Dyosang Alsarie. Marami ang pinagkaiba ni Dyosang Sarna at Dyosang Alsarie kahit na sila ay magkapatid. Masama ang ugali ni Dyosang Sarna habang si Dyosang Alsarie naman ay busilak ang kalooban kaya naman sya ang top list ng mga dyosa, sya ang pinakamalakas sa lahat ng dyosa

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now