Chapter 116: Traitor

6.1K 157 24
                                    

Killy's POV.

"Kill, okay lang ba talaga si Ryza?" Tanong ni Jessie. Ulit.

(-_-)

"Jessie, pangsampung tanong mo na saakin yan at pangsampung beses narin akong sasagot ng 'oo, ayos lang siya'. Kumalma ka lang okay?" Napairap nalang ako.

"Kinakabahan kasi ako, dalawang araw na siyang hindi lumalabas ng kwarto niya. Hindi na nga rin siya nakaka-attend sa mga trainings. Baka kung ano nang mangyari sakanya, baka nagbigti na siya o kaya naman nag----Ouch! Kill bakit mo ako binatukan?" Nagpout siya habang nakahawak sa parte ng ulo niyang binatukan ko.

(-_-)

Bakit kaya nakucute-tan si Killmer dito kay Jessie kapag naka-pout? He looks disgusting.

"Ang oa mo kase, okay na nga si Killmer. You don't have to worry that much" Sabi ko habang nagbabasa ng libro about sa academy. Gusto kong malaman ang lahat about sa school na 'to.

"Masisisi mo ba ako kung ganito ako mag-alala? Girlfriend ko yun eh, kilala ko si Ryza at sigurado akong dadamdamin niya yung----BABY'MAHAL!!" Biglang napatayo si Jessie sa kinauupuan niyang sofa at agad na lumapit kay Ryza para yumakap "I miss you so much. Okay ka na ba? Hindi ka ba nagbalak na mag-suicide?" Binatukan din siya ni Ryza "Aray naman! Magkapatid nga talaga kayo" Napanguso ulit si Jessie.

Disgusting again.

"Ang oa mo baby'mahal" Sabi ni Killmer sakanya.

"Kamusta ka sis?" Tanong ko

Nakita kong nanigas si Ryza at gulat na napatingin saakin "S-Sis?" Napakunot ang noo ko. Why? Hindi niya ba alam kung ano yung sis?

"Yeah, sis, short for sister" Sabi ko

"I know what 'sis' is, nagulat lang ako nung tinawag mo akong ganon" Sabi niya at nag iwas ng tingin. Nahihiya ba siya? O hindi parin nag-sink in sa utak niyang siya si Killmerianna?

"Puwes ngayon masanay ka na, sis" Sabi ko at kinindatan siya.

Nagbasa na ulit ako at nagharutan naman yung dalawa. Napatigil lang ako sa pagbabasa ng mag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt