Chapter 120: Preparation (Part II)

5.2K 145 14
                                    

Killy POV.

Kulay asul na mga mata, kulay light yellow na mahabang buhok, may nakatakip sa kanyang ilong hanggang bibig. At may pakpak siya.

"Ikaw ba si Killy?" Tanong niya.

Pang lalaki ang kanyang boses. Ang akala ko ay babae siya dahil sa mahaba ang kanyang buhok.

"Ako nga. Sino ka at anong kailangan mo?"

"Ipinadala ako ng aking pinuno upang bantayan ang bawat kilos mo" Aniya na ipinagtaka ko.

"Huh? At bakit naman?"

"Dahil ikaw ang magiging tagapagligtas. Hindi lang ng mundo natin, pati narin ng mundo ng mga tao"

"Hindi kita maintindihan. Anong tagapagligtas? Nababaliw ka na ba?" Baliw 'ata 'to. Kung anu-ano ang pinagsasabi.

"Maiintindihan mo rin sa takdang panahon" Biglang bumukas ang pakpak niya at mabilis siyang lumipad sa himpapawid.

Nagkibit-balikat nalang ako. Mukhang baliw nga 'ata yung nakausap ko.

(-_-)

Takas mental 'ata

Pumasok na lang ako sa loob ng library, walang half bloods na nakatambay. Hindi talaga sila makakatambay, malapit na mag-umpisa ang digmaan. Paniguradong naghahanda na ang lahat.

"You're here" Napatingin ako sa nagsalita, as usual sino pa ba? Walang iba kun'di si Detective......Xenon? Tsk! Hindi ko talaga maalala pangalan niya.

"Yeah. I'm here detective" Naglakad ako papunta sa tabi niya ng hindi inaalis ang paningin ko sa mata niya "Ano bang pag-uusapan natin at kailangan tayong dalawa lang?" May pagkamataray kong tanong.

"Tungkol 'to sa pagkamatay ng kapatid mong si Killmerianna"

"Ano ang tungkol sakanya?"

"Nakita ang finger print niya sa punyal na ginamit sa kanya at kay Jessie"

Napakunot ang noo ko. Parang may ibigsabihin siya sa sinabi niya "Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Nakatingin lang siya saakin, kaya naman napaisip ako. Ilang minuto ang nakalipas, may mga ideyang nabuo sa isip ko kaya naman napatingin ako kay Detective "Wag mo sabihing nagpakamatay ang kapatid ko. Yun ba ang pinupunto mo?"

"Hindi ko masasabing ganon nga. Pwedeng siya ang pumatay kay Jessie pagkatapos ay pinatay niya ang kanyang----"

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now