Chapter 60: The four elemental jewelry

9.3K 238 13
                                    

'Yong kinakanta ni Ryza, 'yon 'yong una ng kantang  SA ISANG PANGARAP iniba nya lang yung lyrics 

Enjoy readng.
****

Ryza POV.


🎤Hindi kame makapaniwala sa mga nangyayari, dati ay kayganda ng aming pagsasama, ngayon ay dumating ang suliranin sa aming buhay, nauubusan na ng pag-asa, ako ay mananalig sa---🎤

Hindi na natapos ang pagkanta sa isip ko ng biglang may humawak sa braso ko.

"Tulaley ka girl, anong iniisip mo? Si Jessie nuh?" Mapang-asar na sabi ni Shanlee.

Wala na! Wala na si Jessie sa buhay ko, isa nalang syang naburang ala-ala,  pero kahit ganon ay iniisip ko parin sya. Kung kumain na ba sya, kung nakakatulog ba sya ng maayos, kung iniisip nya parin ba ang masasakit na sinabi ko sa kanya.

Hindi ko naman ginustong sabihin yon sakanya, actually ayoko syang nasasaktan, pero mas masasaktan sya kung ipagpapatuloy nya pa ang katanghan nya. Totoo ang sinabe kong hindi ko sya mahal at wala akong nararamdaman sakanya, pero bakit nung sabihin ko sakanya na tigilan nya na ako ay biglang nagwala ang puso ko, may part sa puso ko na kumirot, at may part saakin na gusto syang balikan nung mga time nayon, pero kung babalikan ko,  magkakaroon sya ng pag-asa, mas lalo syang aasa at yun ang hindi ko hahayaang mangyari.

"Huh? Hindi ah! Bakit ko naman sya iisipin!" Kunyaring naiinis na sabi ko.

"Bakit nga ba?" Makahulugang sabi ni Shanlee.

"Hindi ko sya iniisip, ang iniisip ko ay kung bakit tayo pinatawag dito ni Headmaster?" Sabi ko na ikinakunot ng noo nya

"Oo nga nuh, tapos tayong dalawa lang ang nandito, bakit kaya?" Napaisip din si Shanlee.

Dalawa lang naman ang dahilan na naiisip ko kung bakit kame pinatawag dito ni Headmaster. Iyon ay kung may nangyayaring hindi maganda sa akademya o parating na ang matagal naming inaantay.

Napataas ang kilay ko ng may marinig akong mga yapak ng paa sa labas ng office ni Headmaster. Kasunod non ang pagpasok ng dalawang lalaki at isang babae.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Vam.

"Ate nandito ka rin?" Tanong naman ni Juliuse sa kanyang kapatid.

"Ay hindi! Picture ko lang to! Lupit ng picture nuh? Nagsasalita" pamimilosopo ni Shanlee, ngumuso lang si Juliuse.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now