33: Mask Party

20.2K 561 41
                                    

Killy POV

Putik naman ohh!! Asan na yung partner ko?! Tsk kanina pa ako nag hahanap ahh!!

"King sayaw tayo sige na" narinig ko ang boses ni Pinky kaya naman napatingin ako sa right side at duon ko nakita ang naiinis na muka ni Liam.

Inferness ang gwapo nya mainis.

"Manahimik ka nga!! Naiinis na ako sayo eh!!" Sigaw ni Liam, buti nalang malakas ang sounds kung hindi nakuha na nila ang atensyon ng lahat

"Sige na kase King kahit isang sayaw lang please" pag mamakaawa nya

Kawawang nilalang hindi man lang pinagbibigyan!

"Ayoko ko nga ok!! Naiintindihan mo ba yung ayoko!! O gusto mo pang ipaintindi ni kamatayan sayo!!"

"O sige hindi na kita kukulitin pero gagawin ko to"

(()_())

My god! My virgin eyes!

Bigla nyang hinalikan si Prince, puta para akong nasusuka! Nakakadiri!

"Ano ba!!" Bigla syang tinulak ni Liam

"Ahm nakakaistorbo ba ako?" Tanong ko kaya naman nakuha ko ang atensyon nila

"K-Kill" bigkas ni Liam sa pangalan ko "N-Nakita m-mo??" Tumango ako

"Kaya nga tinatanong ko kung nakakaistorbo ba ako eh" malumanay na sabi ko. Nagulat nalang ako ng bigla nya ako hilahin "Teka saan tayo pupunta??" Hindi nya ako sinagot at patuloy parin sya sa pag hila saakin

What the Eff! Ano bang problema nya??

Nang bigla nyang buksan ang isang pinto at pumasok kame sa loob. Nasa budega kame ng Gymnasium

"Anong ginagawa natin dito??" Tanong ko

"Nakita mo yung pangyayari kanina??" Tanong nya

"Oo naman" mayabang na sabi ko

Bigla nyang tinanggal ang maskara at niyakap ako

"Im sorry" sabi nya

"Sorry for what??" Hindi sya nag salita, kumalas ako sa pag kakayakap nya. Hinarap ko sya at nakanguso sya saakin kaya naman nagtaka ako.

What's with him??

"Bata kaba? Nakanguso ka dyan?" Parang syang batang umuwing may sugat.

"Galit ka?" nakangusong tanong nya.

"Hindi" sagot ko

"Galit ka ehh!" pagpupumilit nya

"Tsh! Hindi ako galit ok? Nakita ko lahat ng pangayayari. Hindi mo kasalanan, nakita ko na hinalikan ka ni Pinky at alam ko na hindi mo yun ginusto kaya wala kang dapat ikabahala" paliwanag ko

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now