MISSION I:GOING TO MT. SARDONA

8K 191 5
                                    

Chapter 64
Going to Mt. Sardona

Ryza POV.

"Sa pagmulat ng iyong mga mata panibagong bukas nanaman para saiyo, Ryza"

Unti-unti kong binuksan ang mata ko ng maalala ang huling kataga na sinabi ni Shanlee.

I fell.... Comfortable? 

Parang wala na akong nararamdamang sakit, nakakatawang isipin na parang walang masamang nangyari, parang bangungot lang ang lahat.

Agad na akong pumunta sa banyo at naligo, nang matapos ako ay agad akong nag bihis. Nagsuot lang ako ng pantalon na medyo maluwag at tyaka fitted na t-shirt, sinuot ko rin ang rubber shoes ko na kulay black. Tinirintas ko ng kaunti ang harap ng buhok ko, nagpulbos ako at nag lip tin.

Kinuha ko na yung backpack ko at lumabas na ng kwarto. Sa SHQ kame mag kikita-kita, napatingin ako sa relos ko at may 14 minutes pa naman bago kame umalis, wala pa naman siguro sila lahat doon.

Nang makarating ako sa may SHQ agad kong binuksan ang pinto at tumambad saakin ang naiinip nilang mga muka. Diba sabi nila 6:00am daw ang alis, 5:46am palang.

"Bakit ang tagal mo?!" May pagkainis na tanong ni Shanlee

"Sorry, hindi ko naman kase alam na excited kayo, remember? Hindi bakasyon ang pinunta natin doon" Sabi ko sakanila

"Kaya pala pormadong-pormado ka" nakapamewang na sabi ni Shanlee habang pinapasadahan ang kabuoan ko.

"Ha? Hindi kaya, normal lang naman tong suot ko" sabi ko.

"Normal? Ryza ikaw bayan? Ang pagkakaalam ko abnormal ka" mapangasar nyang sabi kaya naman sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako.

"Mukang si Jessie nalang ang hinihintay" sabi ni Vam kaya naman napunta ang atensyon namin sakanya.

"You know Ryza, the both of you are too slow" sabi ni Mary Joy

"Kasalanan ko ba? Tyaka wag mo nga kaming pinaghahalintulad dahil marami kaming pinagkaiba" pagkatapos ko yung sabihin biglang bumukas ang pinto ng headquarters.

Napatulala ako nang makita ko si Jessie, ganon din naman sya saakin.

No! This is not happening! Nagmomove on na nga ako pero bakit ba parang pinagtatapo parin kami ng tadhana?

"Marami palang pinagkaiba ha?" Mapangasar na bulong ni Juliuse kaya naman siniko ko sya. Magkapatid talaga sila ni Shanlee!!

Gosh! Ano kame? Soulmate?

Parehas kameng naka itim na t-shirt, well may pinagkaiba naman talaga. Nakablack akong t-shirt na may nakasulat na GIRL, habang sya naman ay itim din na t-shirt na may nakasulat na BOY. Nakapantalon din sya na medyo maluwag at naka rubber shoes na black.

"Ano? Pinagusapan nyo ba tong suot nyo?" Tanong ni Shanlee pero mahihimigan doon ang pangaasar.

"No"-Jessie

"Hindi ah!"-Ako

"Stop teasing them Shanlee" suway sakanya ni Mary Joy

"Ok, I won't" sabi naman ni Shanlee

"Coincidence lang ang nangyari ngayon ok? Wala kaming napagusapan at hindi narin kame naguusap" cold nyang sabi.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon