Chapter 55: The return of the Scorpions

10.2K 258 13
                                    

Ryza POV

Sino ba yung sumigaw? Tyaka ano bang isinisigaw nya? Psychopath ata sya. My god! May ganon pala dito sa HBA. Wala pa namang hospital para sakanila dito.

"Railey! Si King!!" Pag papanic ni kuyang mukang psycho

"Ha?! Bakit anong nangyayari kay King?!" Pagpapanic naman ni Jane.

Uso ba pagiging panic ngayon? Grabe oa nila. Wala pa ngang sinasabe kung anong nangyari kay King ehh.

"Si King pinagtutulungan sa HBA Bar!" Sabi nung lalake.

(O_O)

"Ha bakit?!! Bakit ngayon mo lang sinabeng psycho ka!! Sira ulo ka talaga ehh nuh!!" Pag papanic ko na rin "Tara na, tara na!! Baka hindi na natin mabutan si King" sabi ko

Tumakbo naman kameng mga spiders papunta sa HBA Bar. Sa labas palang ay rinig na namin ang mga sigawan ng halfbloods sa loob ng bar.

"Mukang hindi na maganda ang nangyayari sa loob. Tara na!" Sabi ni Mary Joy.

Nang makapasok kame sa loob nakita namin ang nakabulagtang si Liam habang sinisipa ng mga scorpion. Buti nalang wala si Jemuel dahil kung nandito sya baka inakala ko na syang ang dahilan ng lahat ng to.

Hindi nga ba?

"Ano na King? Saan na ang tapang mo? Hahahaha! Nabahag naba ang buntot mo? Hahahaha!" Sabi nung isang miyembro ng scorpion habang tumatawa na parang baliw.

"Wala na kase ang Princess kaya hindi nya na malabas ang tapang nya hahahaha!" Sabi naman nung isa.

"Ilabas mo yung tapang mo King!! Pano mo sila mapapasunod kung takot ka!!" Sabi nung isa at sinipa sa tyan si King Liam. Napadaing naman ito sa sakit.

"Hoy! Mga bakla ba kayo at pinatutulungan nyo si King hindi porket nagiisa sya" matapang na sabi ni Mary Joy.

Napatingin naman saamin ang tatlong miyembro ng scorpion. Nang makita nila kame ay bahagyang nagulat sila pero kalaunan ay naging ngisi.

"Oh ano to? Tutulungan nyo batong si King? Baka hindi nyo makaya kahit tatlo lang kame ay kaya namin kayong patumbahin. Wala na ang tagapagtangol nyo na si Killy kaya magagawa na namin ang gusto namin sa paaralan nato!" Matapang na sabi nung isa na muka namang pinagsakluban ng langit at lupa.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now