Chapter 121: War

5.5K 157 17
                                    

Third Person's POV (Author's POV)


Nakahanda na ang lahat. Nakapwesto na sila malapit sa Death Forest kung saan gaganapin ang digmaan. Tanging pagsikat nalang ang araw ang hinahantay.

Takot, kaba, pangamba, at excitement.

Yan ang ilan sa nararamdaman ng mga half blood students na sasabak sa gera.

"Calm yourself, Kill" Ani Liam kay Killy.

"Kalmado naman ako" Sagot ni Killy

"Action speaks louder than words. Always remember that" Sabi pa ni Liam at hinawakan ang nanginginig na kamay ni Killy.

Napairap naman si Killy. Kanina niya pa kasi pinipilit pakalmahin ang sarili niya, at nagpapasalamat siya na kahit papaano ay nabawasan ang panginginig ng kamay niya ng hawakan ito ni Liam.

"Natatakot ako" Nakatungong sabi ni Killy, kaya naman Napatingin sakanya si Liam "Kung may mangyari mang hindi maganda. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita Liam, at nagpapasalamat ako na nung nakilala ko kayong mga miyembro ng Spiders, naramdaman ko ang hindi ko nararamdaman noon" Sabi ni Killy habang nakatungo parin.

"Gaya ng?"-Liam

"Gaya ng matinding takot, kaba, pangamba, saya, lungkot, pag-aalala, at...." Ngayon ay nakatingin na si Killy kay Liam, diretso sa mata ng binata "....matinding pagmamahal"

"K-Kill..."

"Oo Liam, lahat ng mga hindi ko nararamdaman noon ay naramdaman ko nang makapasok ako sa akademyang ito" Bahagyang ngumiti si Killy at tumingin kay headmaster Andrie na nasa harapan "Kaya handa akong magsakrepisyo. Para sainyo at para sa akademya"

"W-Wag ka ngang magsalita ng ganyan Kill! Para ka namang namamaalam" Bumuntong-hininga si Liam at pinilit alisin ang kaba na nararamdaman niya dahil sa mga sinasabi ni Killy "Kaya natin 'to, makakaligtas tayo. Think positive" Pagpapalakas niya sa loob ng dalaga, pero siya hindi Niya kayang palakasin and kanyang loob.

Isang matinding katahimikan ang lumukob sa paligid. Tanging tunog lang ng mga kakaibang insecto ang naririnig sa paligig

"Anong gagawin mo kapag hindi tayo pinalad na manalo sa digmaang ito?" Sabi ni Killy kay Liam sa mahinang boses.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now