Chapter 40: I hate you

13.1K 398 17
                                    

Killy POV


Nagbihis na ako dahil ilang minuto nalang at mag uumpisa na ang klase.

Teka! Asaan ang schedule ko Bakit wala pa dito? Diba dapat kanina pa hinatid yun? Ahh baka naman nakalimutan lang.

Lumabas na ako ng kwarto ko at tumakbo papunta sa Headmaster's Office. Kumatok muna ako

"Come in" sabi ng isang tinig kaya naman binuksan ang pinto

"Tito, yung schedule ko po"

"Nakay Liam, ang sabi nya kase ay pinapakuha mo daw" Sabi ni tito.

Hindi ko naman pinakuha yung sched ko! Ano kayang gagawin nya doon. Late na ako ehh!! Peste ka talaga Liam!

"Sige Tito salamat" sabi ko at umalis na.

Tumakbo ako papunta sa lumang building. Nang makarating ako sa may lumang building inakyat ko ang hagdan hanggang roof top

Pagbukas ko ng pinto hingal na hingal ako. Nakita ko syang natatawa ng makita ako.

What the hell?! Hindi ako nandito para pagtawanan nya!

"Hoy! Wag mo akong tinatawanan, nakikita mo tong pawis na to??" Tukoy ko sa tatlong patak ng pawis sa noo ko "Kasalanan mo to!" Inis na sabe ko sakanya ay doon na nga sya tuluyang natawa

"Hahahahaha!!" Tawa nya, napataas ang kilay ko. Nabubuysit ako! "Nakakatawa ka hahahahaha!! Tingnan mo yung muka mo hahahahaha!!" Tumapat ako sa salamen at---

Watdapak!! Ang dungis ko! Puro alikabok ang muka ko, ang gulo ng buhok ko at may dalawang punit yung uniform ko. Wahh! Kainis na building to!!

"Hahahahaha see?? Ang dungis mo hahahaha!!!" Ewan ko pero nabubuysit ako sakanya. Nanggigigil ako kapag nakikita ko syang pinagtatawanan ako. Parang satingin ko ay minamaliit nya ako!! At hindi ko gusto yun!

"Ahh ganon" lumapit ako sakanya at hinablot ang sched ko "I HATE YOU!!" Madiin at pasigaw na sabe ko kaya naman unti-unti nawala ang ngiti nya sa labe

Gago ka ha! May patawa-tawa kapa kasing nalalaman ehh!!

"Uyy joke lang naman ehh" sabi nya at lumapit saakin. Tumalikod lang ako sakanya "Uy sorry na, hindi na mauulit promise" napairap lang ako at saka inalis ang pagkakahawak nya sa balikat ko

"Pwes! Hindi ako nag bibiro at hindi na talaga mauulit to dahil hindi na kita kakausapin PROMISE!!" madiin na sabe ko at tyaka nag teleport sa----

Saan ba ako pupunta??

Tiningnan ko yung schedule ko at puro training room lang naman pero iba-iba ang oras.

Pumunta na ako kahit late na ako ng 10 minutes. Pagbukas ko ng pinto, ang mga member lang ng spider's ang nandito.

"Miss. Nightblood bakit ngayon ka lang" sabi saakin ni tita Cyra. Tita ko sya at isa syang Nightblood

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now