Chapter 80: New Killy

8.8K 241 25
                                    

Liam POV.


Nandito kaming lahat sa Headmaster's office, gustong malaman ni Headmaster kung bakit nandito ang mga dragon na nakatira sa gubat Racun.

"Ipaliwanag mo saakin Heavenly kung bakit nandito ang mga dragon" sabi ni Headmaster at sa tono ng kanyang boses ay mukang hindi nya nagugustuhan ang mga nangyayari.

"Dito muna sila titira" simpleng sabi ni Killy na ikinagulat naming lahat.

Napahilamos naman si Headmaster gamit ang kanyang palad. Mukang hindi nya nagugustuhan kung paano magsalita ang kanyang pamangkin.

"Heavenly alam mong hindi ko papayagan ang sinasabi mo! Kung gusto mo ng dragon pwede ka namang kumuha ng isa sa kanina at alagaan mo. Hindi yung aalagaan mo ang daan-daang dragon na 'yan! Saan mo sila ilalagay ha?!" Galit na tugon ni Headmaster "Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit gusto mo silang patirahin dito!" Galit ang kanyang tono kaya ni isa saamin ay walang sumagot.

Masama naman syang tiningnan ni Kill dahilan para matigilan sya. Napapansin ko lang na kakaiba ang mga kinikilos nya ngayon.

"Ayokong magsalita dahil napapagod na ako pero sige sasabihin ko kung bakit" malamig ang tonong sabi ni Kill "Wala na silang tirahan dahil pinasabog iyon ng mga taga Dark University. Wala naman akong pakealam doon pero si Kuya ay inutusan akong pasunurin sila at dalhin dito sa akdemya para dito pansamantalang patuluyin. Hindi ako ang may plano neto kaya dapat hindi ako ang dapat mag paliwanag, kontakin nyo nalang si Zack para malaman nyo ang iba pang ditalye. Pagod na ako kaya kung pwede ay gusto ko ng magpahinga!" May halong inis ang kanyang boses.

Tumango nalang si Headmaster. Agad syang tumayo at lumabas ng office.

"Susundan lang po namin sya" sabi ni Jane.

Agad syang lumabas ng office at hinabol si Kill, pero napatigil kaming lahat ng makita si Kill na may kausap na babae at lalake. Ang pagkakaalam ko ay si Thory at Dyosang Alsarie ang kausap nya, pero bakit?

"Lly bakit mo kausap ang mga magnanakaw na 'yan?" Tanong ni Vam na masama ang tingin kay Thory at Dyosang Alsarie

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now