Chapter 86: Lisha vs Luke

7.4K 189 26
                                    

Luke POV.

"AHH!" daing nung ka-sparing ko "Time out! Time out!" sabi nya

Binitawan ko sya at kinuha ang isang bote ng tubig at tinungga ito lahat.

"Bakit ba parang napakahard mo 'ata ngayon? May nangyari ba?" tanong nya

"Wala, dahil mangyayari pa lang" sabi ko

"Ano naman ang mangyayari?"

"Naalala mo ba si Lisha taba? Yung nakwento ko sayo?"

"Oo, yung sinabi mong babae na mataba pero maganda"

(O_o)?

"Wala akong sinabing maganda sya" sabi ko

"Sus! Sabi mo pa nga saakin 'Pre may kukwento ako sayo, may babae akong nakabunggo, mataba sya pero maganda tapos asar talo pa kaya natutuwa ako kapag nakikita ko sya' ganon ang pagkakasabi mo saakin"

(O_o)?

May sinabi ba akong ganon?

"Wala naman akong sinabing ganon" tanggi ko

"Sus! In denial ka pa!"

Wala naman talaga! Kung sinabi ko man 'yun edi sana naalala ko.

"Ewan ko sayo!" inis na sabi ko at kinuha ang bag pack kong kaunti lamang ang laman.

"Uy saan ka pupunta? Tapos na ba yung sparing natin?" tanong nya

"Mag sparing ka mag-isa mo!" sabi ko at lumabas ng gym.

Habang naglalakad ako ay nagtitilian ang mga babae, kesyo ang gwapo ko raw. Pwe! Tigilan nga nila ako! Alam ko naman 'yun matagal na!

Nang makarating ako sa SHQ ay agad kong binuksan ang pinto at hindi na kumatok.

"Si ate'tu----" natigilan ako ng makitang walang tao sa loob "Okay epic fail ako dun, pero okay lang, gwapo pa rin naman ako" umalis na ako at pumunta nalang sa kwarto ni ate'tukyo.

Sinipa ko ang pinto at sumalubong saakin ang walang ekspresyon na muka ni ate'tukayo.

"Kaylan ka pa naging kabayo? Ang sabi ni Lisha unggoy ka daw" sabi ni ate'tukayo na ikina-inis ko.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon