Chapter 13: Plan

22.8K 674 59
                                    

Killy's POV.

"Kailangan nating protektahan si Jane kung ayaw n'yo siyang mawala sa inyo," seryoso kong sabi.

"Ano nga ang plano 'di ba? Ang kulit mo naman!" Pagtataray ni Mary Joy.

"Pwede ba?! Nag-iisip nga ako e, 'wag kang atat!" Tinarayan ko siya at nagpatuloy na ako sa pag-iisip.

"May isip ka pala," malamig na sabi ni Liam na ikina-init ng dugo ko.

"Nagsasalita ka pala? Akala ko istatwa ka lang d'yan, eh." Pagtataray ko. 'Tong manyak na 'to! Sabat nang sabat 'di naman kinakausap. "Saka sino ba'ng may sabing kasali ka rito? Labas ka sa usapan namin, okay?!" Nanahimik na siya at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. E di natahimik! Siya kasi! Kasalanan niya 'yon.

"So what's the plan?" tanong ni Jessie.

Ano nga ba?

Tumahimik ang lahat. Mukhang pati sila ay nag-iisip din. Napasipol ako nang may pumasok na idea sa isip ko.

Now I have a plan.

Hindi ako nakapagsalita nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa no'n ang isang magandang babae na mukang masungit pero gaya nga ng sinabi ko dati...

Mas maganda at mas masungit ako.

"What's up half bloods," sabi nito at napatingin siya sa akin. "Oh my gosh! Ikaw si Killy 'di ba?" Lumapit siya saakin at ininspeksyon ang maganda kong mukha.

"Ah, oo, ako nga si Killy," naiilang na sagot ko. Sino ba 'to?

"Ako nga pala si Ryza, Ryza Brazil." Nagulat ako ng marinig ang last name niya.

"Brazil? Kasama ka sa Royal Families?" Gulat at namamangha kong tanong.

"Yup, the second Royal family." Nakangiti niyang sabi. Napatingin siya kay Jane at bahagyang nagulat. "Jane? May problema ba? Bakit napunta ka rito?" Bakit ba gulat na gulat sila nang pumunta rito si Jane? May naamoy akong kakaiba, ah.

"May plano na ako." Sabay kaming dalawa ni Vam. Napatingin ako sa kaniya at napatingin rin siya sa akin at ngumiti.

"Sige ikaw muna," sabi nya

"Ikaw na muna," sabi ko.

"Ikaw na, ladies first nga 'di ba?" May punto siya.

Half Blood Academy (School Of Half Bloods)Where stories live. Discover now