Part 1

8.2K 184 5
                                    


YOU LOOK FAMILIAR. PARANG NAKITA NA KITA." SABI NI SEF GOROSPE. SINULYAPAN LANG SI Paige at ibinalik na uli ang atensyon sa kinikilatis na mga tela. Nakasampay iyon sa wooden rack na nasa ilalim ng hagdanan kasama ng mga malalaking plastic bag at kahon na naglalaman ng mga beads, sequins, zipper. Butones, rolyo ng mga lace at kung anu-ano pa.

Hindi alam ni Paige kung compliment ang sinabi ng designer o hindi. She shifted her weight to her left foot. Ngawit na siyang tumayo doon at maghintay kung kailan siya kakausapin nang maayos ni Sef. Pinatuloy siya doon ng apprentice siguro nito, hindi man lang siya inalok maupo bago iyon umakyat. Akala niya ay tatawagin si Sef. Nagulat na lang siya nang lumabas ang designer mula sa likod ng capiz screen na nasa bandang dulo ng shop.

Nag-magandang -umaga siya, nagpakilala at sinabi ang pakay doon. Parang walang narinig o nakita ang designer, lumapit sa malaking mesa na kalapit ng capiz screen, dinampot ang gunting at ginupit ang telang nakalatag doon. Bago nilagyan iyon ng mga marka gamit ang orange na krayola. Sef really took his time doing that. Pakiramdam ni Paige, sinasadya iyon ng designer para maging uncomfortable siya.

'nyata 'tong baklang laos na 'to.

Old Paige would have stormed out already, after lashing out at Sef. New Paige was nice and patient, knew her priorities. Kailangan niya si Sef Gorospe. Iyon ang goal. Doon lang siya titingin.

Sa wakas, tumayo si Sef at nagpunta sa mga tela sa ilalim ng hagdan.

"I'm sure we haven't met before." Sagot niya sa comment nito. "But I know you...of course. You're Sef Gorospe. Everybody knows you, Sir." O madam? Paano ba ia-address ito? Mommy Sef ang tawag dito ng mga kaibigan at kliyente. Hindi niya puwedeng gayahin iyon. Baka sabihin, feeling close siya.

Isinuot nito ang nakakwintas na salamin bago siya tingnan uli. Sinuri siya ng isnag segundo lang yata, hinubad na uli ang salamin.

"Masyado kang maganda para maging utusan." Sabi nito.

Utusan?

Nahalata yata ang confusion niya, "Assistant, secretary, whatever you call it, utusan ang kalalabasan mo, Miss Hipolito."

"Uh, okay lang. I understand the nature of the job."

"Five-thousand." Sabi ni Sef.

Napakurap lang si Paige.

"Five-thousand monthly. Free food and lodging, of course." Paglilinaw ng designer na famous noong 80s and early part of the 90s. Sixty-six na ito ngayon, ayon sa Facebook nito. Hindi na kilala. Has-been. Nangamatay na ang mga prominent clients nito noon, kung hindi man, may mga sakit na at hindi na nakikita.

Tumango si Paige, "Yes, Sir."

"Go home and get your things. We're going to Pueblo Grande tomorrow. Be here before seven in the morning."

"Uh, no need, Sir." Hinila niya ang maliit na suitcase na iniwan niya sa tabi ng manekin sa likod niya, "I have my things with me now."

Tumaas ang manipis na kilay ni Sef pero hindi nagsalita.

Feeling ni Paige, kailangan niyang mag-explain, "Tutuloy sana ako sa friend ko in case hindi ako matanggap today."

"And you are....how old?" Kunot-noo ang designer.

"Twenty-three, Sir." Last week, twenty-two lang siya.

Humarap sa kanya si Sef at nangalukipkip. Hindi nagsalita.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now