Untitled Part 34

1.2K 55 8
                                    


HINDI NIYA MAIWASANG MALUNGKOT HABANG NAGDA-DRIVE papunta sa terazza. It was a bright, sunny day, 'ika nga sa mga children's book. Parang ang saya-saya kapag nabasa mo iyon, may kasama pang drowing na mga batang naglalaro habang nakangiti ang araw. Iyon ang expectation.

Ang reality, it was too bright, too sunny. Walang mga batang naglalaro sa labas, malamang naroroon sa swimming pool na may bubong para sa swimming lessons. Ang iba, nasa ballet lesson, music lesson, art workshop...futzal...ibang-iba sa childhood niya. Wala siyang naka-uniform na yaya na hahabulin siya ng bimpo at sunblock lotion. Mayroon lang siyang nanay na hahabulin siya ng tsinelas o hanger kapag ayaw pa niyang umuwi.

Pero hindi lang iyon ang ikinalulungkot ni Paige. This time, mas malungkot makitang normal ang lahat sa paligid. Walang nagbago sa kalakaran ng buhay sa Pueblo. If she would look closely at the landscape, makikita niya ang mga hardinero at mga groundkeeper, abala sa kani-kanilang trabaho, mga security guard na nagra-round sakay ng bisekleta, mga golfers na lulubog-lilitaw sa slopes.

Tuloy ang buhay. Hindi lang sa Pueblo. Sa lahat nang dako ng mundo. Walang nagbago. Parang walang nawala.

Si Blanche ang iniisip niya. At si Nicko.

Parang buhangin lang ang buhay. O isang kabang bigas. Alisin mo man ang dalawang butil, walang magbabago. Tuloy sa pag-ikot ang mundo. Silang mga naulila, silang mga apektado sa pagkawala ng mga butil, kalaunan ay sasabay na rin sa ikot ng mundo.

It didn't really matter whether you were a nobody or a somebody. Life simply had to go on.

Nang mawala si Nicko, tumigil ang mundo ni Paige at gusto niyang makita, maramdaman nang lahat kung gaano kaimportante si Nicko. Gusto niya, tumigil rin ang mundo ng lahat. Iyon ang nararapat. Iyon ang tama. That was what Nicko deserved.

Pero ni walang nagbago. Tsismosa pa rin sina Soledad, lasenggo pa rin si Mang Paking, may umiihi pa rin sa pader, nariyan pa rin ang problema sa traffic...mga kriminal..mga adik...si Cardo Dalisay.

Alam naman niya na kahangalang hilingin na tumigil ang buong mundo pero hindi pa rin niya matanggap na si Nicko ay isang butil lang ng buhangin. The man she loved, hee was gone and the world didn't even notice. Maski mismong pamilya ni Nicko, bumalik na sa dati pagkalipas lang ng ilang linggo. Nakakatakot at nakakagalit isipin na darating ang araw, mismong mga nagmamahal kay Nicko, hindi na maaalala ang mukha nito.

Kukupas ang mga larawan.

Ngayon, si Blanche. Kahapon lang ito nawala, ni wala pa ngang burol, normal na ang lahat sa Pueblo.

Business as usual.

Maliban sa mama ni Blanche. Sure, marami ang makikiramay pero hanggang doon lang. Uuwi ang mga iyon sa kanya-kanyang bahay, itutuloy ang kanya-kanyang buhay.

Sa entrance mismo ng Terazza siya huminto pero hindi na siya bumaba para ipagbukas ng pinto si Mamsh. Gawin daw niya iyon kung naka-Benz sila, o Accord, or Camry. Ten-year old na Honda Civic ang kotse ni Mamsh.

"Text na lang kita, ha." Sabi nito pagbaba.

"Kakain lang po ako sa labas, Mamsh. Tapos hintayin na kita dito."

"Saan sa labas?"

"Malapit lang po daw. Dun kumakain ang mga empleyado." Nalaman niya dahil textmate rin niya si Wendell.

"Ah, okay." Tumalikod na si Mamsh. Client-to-be ang ka-lunch date nito sa Terazza, no doubt si Mareng Neneth ang nag-facilitate ng meet-up. Swerte sa friends si Mamsh. Mabait naman kasi, sa loob-loob niya habang palusong na sa driveway.

Kumaliwa siya sa ibaba at mayamaya pa ay nasa arkilahan na siya ng mga bisekleta. Binusinahan niya si Wendell. Sampa naman kaagad ang lalaki sa front seat.

"Kakahiya naman, ako pa sinundo ng kotse." Biro nito.

"Lilibre mo naman ako, eh. Deretso lang?"

"Oo. Pag may nakita ka nang mga bulldozer, kaliwa."

"Bakit may bulldozer?"

"Papatagin nila dun, extension ng resort ang gagawin. Dami nilang pera."

"Oo, nga no? Kakataka lang, 'yung dinami-daming perang 'yun, ba't hindi tayo maambunan?"

"Maski nga 'yung prize sa lotto dati, kung ipamigay na lang sa lahat nang Pinoy, okay na, eh."

"Pwede nga kaya 'yun?" mayamaya pa ay tanaw niya sa kanan nila ang hagdanang bato kung saan niya navideo si Ollie. Mahaba pa pala iyon, kakahuyan ang paligid, hindi kita kung saan natatapos ang hagdanan. "Saan papunta 'yan?" Tanong niya kay Wendell.

"Sa dagat. Pagbaba mo d'yan, part na rin nung resort. Dun nila idudugtong 'yung extention."

"Ah." Tango ni Paige. "Kilala mo 'yung nasa video na sinend ko sa 'yo?" Pinadala rin niya kay Wendell ang video.

"Hindi. Sa resort 'yun, eh. Tsaka hindi ka naman mape-permanent dito."

"Endo."

Tumango si Wendell, "Ako nga, two months na lang kontrata. Panibagong apply. Paano ka naman aasenso sa ganun? Paano ka makakaipon? Magsikap raw. Wala ka na ngang ginawa kundi magsikap, ite-terminate ka naman, wala rin."

"Alis ka na lang sa Pilipinas."

"Gusto ko na talaga. Ikaw ba?"

"That's the plan. Sabi ng ate ko. Tulungan n'ya ako makaalis pero tapusin ko muna college. Hopefully, next sem, maka-enroll." Sumimangot siya.

"Hindi ka excited."

"Actually." Bumuntonghininga siya, "Hindi ko alam kung ano ang gusto ko. Kakawalang-gana mangarap."

"Bakit naman?"

"Kasi---" nakita na niya ang mga bulldozer. Wala naman palang ibang lilikuan, kaliwa lang. "Teka--" aniya at nag-menor, hinagod ng tingin ang landscape na maalikabok, gray ang dominant color, "Ito 'yun!"

"Ang alin?"

"'Yung drowing. Shit, wait, bag ko---" hindi niya maabot sa likod, si Wendell na ang kumuha, kinandong.

"Bakit ka may dalang sapatos?"

"Ah, isosoli ko, nakita ko sa lost and found--" inihinto na niya sa tabi ang sasakyan at kinuha sa bag ang cell phone, "Piktyuran ko lang, wait ha." Bumaba siya, tumawid para mas makuha ang landscape. She took several shots.

"Bakit?" Tanong ni Wendell pagbalik niya sa kotse.

She started the engine, "Si Blanche kasi, pinadalhan kami ng mga sketch---"

"Blanche? 'yung tumalon sa Fairway?"

"Oo." Sinabi niya ang tungkol sa mga drowing, "Kaya ko piniktyuran kasi sure ako, 'yun 'yong drinowing n'ya." Hinanap niya sa phone ang composite na nagawa nina Ty. Ipinakita niya kay Wendell, "See?"

"Oo, nga. Pero bakit? Souvenir kasi magpapakamatay na s'ya?"

"Parang ganun nga...pero hindi ko ini-expect na totoo 'yang drowing. Kala ko imagination lang n'ya." Ipapadala niya ang mga pictures kay Ty, tiyak magugulat rin iyon.

"Bakit 'yun ang drinowing n'ya? Ba't hindi 'yung dagat? Usually, 'yun di ba? Sunset, sunrise."

"Ang corny na kasi nun. At least, 'yung mga puno dun sa tigang na burol, kakaiba." Naging palusong na ang kalsada at saglit pa ay hindi na konkreto, pinatag lang na lupa, mabato, mabuhangin. Maalikabok. "Nanay ko, magca-carwash pala ako ng wala sa oras."

Natawa si Wendell, "Tulungan na lang kita."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now