Untitled Part 24

1.2K 59 1
                                    


PASAKAY na sa bike si Paige. Binusinahan ito ni Amber ng sunod-sunod. Paige looked up, saw her. Lumapit ito sa sasakyan. Binuksan ni Amber ang pinto sa passenger side, "Get in."

"Ha? I--can't, iniintay ako ni Mamsh."

"Galing ako sa inyo. Mamsh knows I'll be meeting you here."

Mukhang alinlangan pa rin si Paige.

"Paige, please." Pakiusap ni Amber, "We need to talk. I...I need you. It's the least you can do after I sent that lawyer---" Damn. Why was Mamsh so subtle and classy about owing favors but she, she sounded like a bitch?

Luminga sa ospital si Paige. Why? Ano ang ikinatatakot nito? That was exactly how it looked to Amber. Paige was afraid someone in the hospital might see her.

"Uh, susunod na lang ako. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang bike." Sabi nito.

"You can put it in the back. Hindi ka ba natatakot? Wala kang helmet, we're not in the Pueblo, maraming trucks ngayon--"

"Susunod na lang ako, Amber." Giit ni Paige.

"Are you?"

"Yes. Promise."

"Okay. Have it your way." Pinaandar na niya ang Outback.

NAGULAT si Paige pagpasok sa kwarto ni Amber. Ang daming kalat. Samantalang ang linis ng buong bahay.

Magulo ang kama ni Amber, Sali-salikop ang kumot. Nagkalat sa carpeted na sahig ang mga unan, stuffed toys, sapatos, damit.

"Sorry about the mess." Sabi ni Amber, pinulot ang ilang damit, sinalpak sa nakabukas na closet, "I'm trying to Marie Kondo but I can't find a single item that doesn't spark joy in me. You can sit in the bed."

Hinubad ni Paige ang sneakers at sumampa sa kama. Queen size ang kama ni Amber. Custom-made siguro dahil kasama na ang shelf cabinet with night stands sa uluhan. Sobrang lamig dahil hindi kailangang magtipid sa koryente. Which was a relief. Ang init sa labas.

"Be comfortable, I just need to clear some space." Sabi ni Amber, pinagsasalpak pa rin sa closet ang mga kalat. Pati dresser sa tabi niyon, umaapaw sa mga make up at toiletries na mga nakatumba. May mga durog na pressed powder. Nasa sahig ang ibang pabango.

Parang may nagwala sa kwarto ni Amber. May drawer na nakakalat sa sahig, mga sobre, brochures at pictures ang laman.

"C-Can I see?" Tanong ni Paige, itinuro niya ang drawer.

"Sure, go ahead."

Ipinatong niya sa kama ang drawer. Travel brochures at mga mapa. Bali, Phuket...may Morocco rin at Greece. Sarap nga talaga ng mayaman. Kahit saan maisipan pumunta, anytime....kinuha niya ang pictures.

Group photo. Parang may party or something. Naka-pormal lahat. Nakaupo ang mga lalaki , sina Ty, Papa John, Sean, Paco at iba pa na parang nakita niya sa coming out party. Nakahiga sa kandungan ng mga lalaki si Darby, navy blue gown na may slit kaya litaw ang legs at nakataas iyon, toes pointed. One shoe dangled from her foot.

Sa hita ni Sean nakaunan si Darby, she was looking up at him, teasing his face with the bouquet she was holding.

Sa likuran ng mga lalaki nakatayo sina Blanche. Mukhang lutang as usual ang babae. Katabi nito si Amber na mukhang masama ang tingin kay Darby.

Ipinakita niya kay Amber ang picture, "Umabay kayo dito?"

Sinuri nito iyon, "Yeah. Wedding anniversary nila mama, nag-renew sila ng vows. Gusto n'ya millenials ang entourage."

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now