Untitled Part 58

1.1K 59 6
                                    


NASA thirties pa lang ang lalaki pero manipis na ang buhok at mataas ang hairline. Doon nakamasid si Paige habang ipinapaliwanag nito sa kanya ang mga kaso niya. Walang duda ang mga pulis at iba pag saksi na siya ang sumaksak kay Tita Monique.

Hawak pa niya ang murder weapon nang maabutan siya sa crime scene. Kutsilyo ni Mamsh. Kasama iyon ng isang set na nasa kitchen counter. Stainless steel pati handle. Sobrang talas. Nahiwa nga agad siya noong una niyang gamitin.

May motibo raw siya para patayin ang ginang. Nasa kanya ang nawawalang cell phone ni Blanche. Dahil doon, iniimbestigahan na ang pagpapatiwakal ni Blanche. Ang buod, siya rin siguro ang nagtulak kay Blanche sa building at kinuha niya ang cell phone para hindi siya maimbestigahan.

May motibo rin daw siya sa pagpaslang kay Blanche. Nalaman ni Blanche kung ano ang pakay niya kay Darby Solano. Nasa Notes ni Blanche ang kung anu-ano ang nalaman niyon tungkol kay Paige. Kay Nicko. Nasa search bar rin. Nabasa agad ng mga pulis dahil walang password ang cell phone.

How convenient, sa loob-loob ni Paige.

"Kakausapin ko ang psychologist mo." Sabi ng lalaki, si Atty. Luis De Asis, courtesy of Mamsh. At courtesy naman iyon kay Mamsh ni Mareng Neneth. "I think I can get you off on---"

"Insanity." Sabi niya.

"I hate it as much as you do, Miss Hipolito. But clearly, from what's on that phone, you have a problem."

"Had." Pagtatama niya. " I had depression. I'm better now."

"You're plotting a revenge. That doesn't sound 'better' to me."

"Hindi ako baliw, Attorney. Alam ko ang ginagawa ko!"

"Yun nga ang problema natin at utang na loob, 'wag mong ipagsigawan na alam mo ang ginagawa mo." Hininaan nito ang boses.

"Si Amber Solano ang dapat nilang imbestigahan. Niloko n'ya ako, pinapunta n'ya ako doon para i-frame up. May pumalo sa ulo ko kaya ako nawalan ng malay doon. Kung ako ang pumatay kay Tita Monique, bakit pa ako magpapakahimatay sa crime scene?"

"The theory is, you were in shock....realizing what you've done. You passed out, hit your head on a rock, maraming bato doon. The thing is, you have a history of...of...mental and emotional breakdown. You threatened to kill someone before. Kaysa makulong ka habang buhay, twice, mas mabuting nasa isang facility ka--"

"At mabubulok rin ako doon. Hindi nila ako papayagang makalabas doon. Mayaman rin si Tita Monique at kung naniniwala ang pamilya n'ya na ako ang pumatay sa kanila ni Blanche, t'yak, sisiguraduhin nila na mabubulok ako sa mental."

"You have to trust me."

"Hindi ako ang pumatay sa kanila. Kailangan kong patunayan 'yon. Sinet-up ako ni Amber."

"Why would she do that?"

"Dahil alam ko ang totoo tungkol sa kapatid n'ya."

"Which is?"

Hindi sumagot si Paige. Wala siyang balak bitiwan ang alas niya.

"Miss Hipolito, paano kita matutulungan kung ayaw mong sabihin lahat ang nalalaman mo? To be honest, walang record ng sinasabi mong usapan n'yo ni Amber Solano sa phone mo. Hindi s'ya nag-text sa 'yo kagabi."

"Ang dali naman burahin no'n sa cell phone." At hinampas niya ng mga kamay na nakaposas ang mesa, "Halukayin mo sa Globe! Magtrabaho ka! 'Wag kang kumampi sa kanila!" Nagwala na siya ng tuluyan.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now