Untitled Part 28

1K 53 0
                                    


MAMSH and her friend--starlet noong 80s ayon sa Google--decided to have some drinks after their spa session. May sariling sasakyan at tsuper si Mareng Neneth, malusog na matrona. Donyang-donya.

Annette Lorin ang screenname noon, kamukha raw ng Hollywood actress na si Annette Bening. Bumida sa pelikulang Nagbabagang Hiyas. Kahit shocked pa si Paige sa narinig kay Ollie, natawa siya sa nabasa sa Google. Bukod sa Nagbabaga, kasama rin sa cast ng Angkla si Mareng Neneth, Benita Dalusong sa totoong buhay.

Si Mamsh raw ang dahilan kung bakit naging donya si Mareng Neneth. Kinuhang model ni Mamsh ng terno, pinarampa sa isang fashion show na para sa kultura ng Pilipinas at charity.

"Nakilala ng hitad si Obet Bernabe..Dr. Obet Bernabe. Nephrologist. Maganda naman talaga ang lola mo noon, 'neng." Pagmamalaki ni Mamsh habang nakasunod sila sa Land Cruiser ni Mareng Neneth. "Halos lahat nang private dialysis center na makikita mo ngayon, kanila. At 'yang si Neneth, may sariling diskarte. Nag-buy and sell ng mga lupain."

"Mukha naman pong mabait, kaya siguro sinuwerte." Comment ni Paige.

"Yeah. She's a real deal. Totoong tao. Hindi s'ya nakakalimot. Feeling n'ya, utang na loob talaga n'ya sa 'kin ang lahat. Pero sa totoo lang, kung hindi s'ya matalino, madiskarte at mabait, hindi sila yayaman ng ganito. May pera na noon si Doc, siempre. Pero mas yumaman nung mag-asawa na sila."

"Sa kanya mo na lang po ibenta 'yung property mo."

"Yeah, I told her about it. Sabi n'ya, I should hold on to that property muna. Bagsak pa ang real estate."

Pumasok sila sa underground parking ang Fairway Tower, hotel at condominium, iyon ang pinakamataas na building sa Pueblo. They parked next to the Land Cruiser. Naunang bumaba si Mareng Neneth.

"Why don't you send her home na lang, Mare. Ihatid ka na lang namin later." Sabi nito kay Mamsh, sumilip sa bintana ng kotse. "Nagsasayang ka lang ng gas, maiinip lang 'tong si Paige dahil wala pa 'kong balak pakawalan ka, Mare. Na-miss kita, sobra."

Nagkibit-balikat si Mamsh, "Okay, umuwi ka na muna, Paige."

"Yes, Mamsh." Lihim siyang natuwa, na-appreciate ang concern ni Mareng Neneth. Akalain mo, may mayayaman palang considerate.

"May pagkain ba dun sa bahay? May kakainin ka ba, hija? Alam ko naman itong mare ko, kuripot. Pa-deliver na lang ako dun."

"Wag na po. Salamat na lang po. Namalengke po ako, magluluto na lang po ako."

Mayamaya pa ay nasa kalsada na uli si Paige. Nasa vicinity siya ng golf course nang makasalubong ang sasakyan ni Ty. Binusinahan niya ito, sabay ibinaba ang bintana.

Gulat ito. Hindi akalaing nagmamaneho siya.

"Uuwi ka na?" Tanong nito, huminto.

"Oo, hinatid ko lang sa hotel si Mamsh."

"Sunod ka muna sa 'kin."

"Ha?"

"Sige na. Samahan ko 'ko maghanap ng wallet ko."

Natawa si Paige, "Nawawala wallet mo?"

"Nahulog yata."

"Sige." Aniya. Ipapakita na rin niya kay Ty ang kinuha niyang video. Isa pa, madaming alam si Ty tungkol kay Amber. At isa pa, aminado siya na magaang kasama ang lalaki.

Nag-U-Turn siya at sumunod kay Ty.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now