Untitled Part 5

1.7K 77 1
                                    


SHE SLID OPEN THE HEAVY HARDWOOD DOOR. GALING PA DAW IYON sa Bacolod ayon kay Mamsh. Sa isang antigong bahay doon. Si Mamsh raw mismo ang nag-decorate ng villa nito dahil madaya raw ang in-house decorator na si Sondra Solano. Dini-distress lang daw niyon ang mumurahing kahoy, palalabasing antique.

'Sila-sila na lang ng mga kauri n'ya ang maglokohan. Pare-pareho silang cheap.'

Paige was liking her employer more and more.

"Hi, again." Bati ni Amber. Denim polo lang ang suot at sa bandang tiyan lang nakabutones. Naka-expose ang bikini top. Hindi ito maputi, hindi rin naman masasabing morena. Pero makinis na makinis. Doon nanggagaling ang ganda. Kung hindi sa glass skin nito, mas maganda pang di-hamak ang kapitbahay nilang si Bona na laging nilalait ng mga tambay dahil kulot at maitim. Malapad ang mukha ni Amber, parang pancake. But somehow, hindi mo sasabihing pangit.

"Hindi pa 'ko nagpapaalam." Sabi niya. "Nasa likod si Mamsh, tara." Pinatuloy niya si Amber.

"Wow, everything here is old." Comment nito pagpasok.

"Mahilig sa antiques si Mamsh." Lumabas sila sa naka-awang nang backdoor. Hardwood rin. "Ah, Mamsh--" tawag niya sa designer. Nasa recliner, hawak ang iPad, naglalaro ng Candy Crush. Kanina pa ito doon. Naka-bonus yata ng mahabang buhay.

"What--" nakita agad nito si Amber. Tumuwid ito, "Hello."

Lumapit agad si Amber, "Hello po. I'm so pleased to finally meet you. I'm Amber. Amber Solano."

Namilog ang mga mata ni Mamsh.

Pero higit ang pagkamangha ni Paige. Hindi siya makapaniwala. Solano?

Tumayo si Mamsh bago kamayan si Amber, "Are you Sondra's daughter?"

"Yes, Mamsh."

"Oh, my, pleased to meet you too, hija." Tuloy beso na si Mamsh kay Amber.

Paige could not believe her luck. Hindi rin siya makapaniwala sa kaplastikan ni Mamsh.

"How did you two meet?" Tanong ni Mamsh kay Amber.

Maagap si Paige, pasimple rin niyang siniko si Amber, "Kanina, Mamsh. Nagkasalubong kami sa may Terazza. Nabanggit ko na sa 'yo ako nagwu-work."

"I see."

"Mamsh, can I take Paige with me to the beach?" Sabi ni Amber.

"Oh, okay."

"Thanks po."

"Say hi to your Mom for me, okay?"

"Okay po. Thanks."

Mayamaya pa ay nasa labas na sila.

"D'yan tayo sasakay?" Turo ni Paige sa asul na ATV sa driveway.

"Yep." Sumakay na si Amber.

"This is so cool." Sabi ni Page, pumwesto sa likod ni Amber.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now