Untitled Part 52

969 50 0
                                    


MAMSH?" HINDI MABASA NI PAIGE ANG EXPRESSION NG DESIGNER. Nasakama ito, nakasandal sa headboard, hawak ang plato ng chocolate cake na dinala niya. "Okay lang po?" Nakatitig lang ito sa nakapatay na TV habang nagsasalita siya.

"I'm trying to process." Sabi nito.

"Po?" Sinabi na niya dito ang mga isiniwalat sa kanya ni Amber kahit bawal daw ipagsabi. Hindi lang dahil kailangan niya ang permiso ni Mamsh, gusto rin niya. Maano namang kumalat unti-unti na nasa mental facility si Darby? At kapag hawak na niya ang katibayan, si Mrs. Solano mismo ang iba-blackmail niya. Papayag iyon sa anumang kapalit na hihingin niya kasama na ang, paki-tanggalan na rin po ng mana si Amber. Hindi niya mapigilang mapangiti sa naiisip.

Ipinaling ni Mamsh kay Paige ang tingin, "I can't get over the fact that my assistant has a life and I don't."

"Mamsh, you have a life too."

"Things are happening to you but not to me. How's that possible?"

"Kaya nga sinasabi ko sa 'yo lahat, Mamsh."

Sumubo ito ng cake, "You need to be careful."

"Opo, Mamsh. Thank you." Hindi pa agad siya lumabas. Kinuha niya ang tablet nito na nakasandal sa unan, "Naka-smart TV ka pala, Mamsh."

"So I've heard."

"Sa TV ka na lang manood ng Netflix. Ang laki-laki po ng TV mo, nagtat'yaga ka sa tablet."

Inayos muna niya ang viewing pleasure ni Mamsh bago siya dali-daling nagbihis. Jeans, crop top, sneakers.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now