Untitled Part 47

1K 54 1
                                    


Tumigil si Paige magsulat. Binasa niya mula umpisa ang mga isinulat. Kapag marami raw gumugulo sa isip niya, makakatulong ang paggawa ng journal o diary.

Write your thoughts down, they said. Magkakaroon raw siya ng clarity at insight.

Dinampot uli niya ang ballpen pero hindi talaga niya magawang isulat ang nasa isip niya. Paano kung mali na naman siya?

"Paano mo nasabi na pinagtangkaan kang gahasain ni Mr. Osorio, Miss Hipolito?"

"H-Hinipuan n'ya ako sa loob ng kotse."

"Hinipuan o pinipigilan ka n'yang tumalon mula sa sasakyan?"

"Pinipigilan n'ya ako at hinihipuan."

Natawa ang pulis na nagtatanong, "Bakit ka ba nasa kotse ni Mr. Osorio in the first place?"

"S-Sumakay ako."

"Kusa kang sumakay?"

"Uh--"

"Sabi ni Mr. Osorio, pagbukas n'ya ng kotse, naroon ka na sa loob. Totoo ba 'yon?"

"Opo." Mahina niyang sagot, nakayuko.

"Totoo rin ba na may hawak kang balisong, binantaan mo si Mr. Osorio na sasaksakin pag hindi n'ya inamin na s'ya ang nagpasunog sa mga bahay sa Baranggay Kristong Hari?"

"S'ya talaga ang nagpasunog nun! Nakita ko s'ya! Kausap n'ya nung hapon ang abogado ng may-ari, nung madaling-araw, nagkasunog na! Alam ko kung ano s'ya! Troubleshooter s'ya ng mga Chong!"

"May iba ka bang katunayan maliban sa sinasabi mo?"

"Wala! Kaya ko s'ya pinapaamin, eh!"

"Paano mo nasabing troubleshooter ng mga Chong si Mr. Osorio?"

Hindi makasagot si Paige.

"Miss Hipolito?"

Hindi pa rin siya sumagot.

"Miss Hipolito!"

"S-Sinabi ni Nicko sa 'kin."

"Nicko Ramos. Kailan n'ya sinabi sa 'yo?"

"L-Last week."

"Hindi ba at noong isang taon pa namatay si Nicko Ramos?"

Isinalpak ni Paige sa drawer ng nightstand ang yellow pad. Hindi na siya dapat magkamali. Hindi siya dapat magpatangay sa emosyon at desperation.

Naniniwala pa rin siya na si Mr. Osorio talaga ang nagpasunog ng mga bahay sa baranggay nina Nicko. Kasama sa mga natupok ang bahay nina Nicko. Dahil sa nangyari, nagkawatak-watak ang pamilya ni Nicko. Ang dalawang maliiit na kapatid ni Nicko ay ipinadala sa tiyahin sa probinsya. Ang ate ni Nicko ay nakitira sa isang kaibigan sa Pasig. Ang nanay nina Nicko na nagtatrabahong tindera sa bigasan sa palengke, doon na lang din sa bigasan natutulog...nakikitira.

Gabi-gabi niyang napapanaginipan si Nicko noon. Hindi niya kailangan ng katibayan para malamang masama ang loob ni Nicko sa nangyari sa pamilya nito.

Humihingi ng hustisya si Nicko. Sa sinapit nito kay Darby Solano at sa sinapit ng pamilya nito sa mga Chong. Sino ang magbibigay niyon kung hindi siya?

Pero nagpadalos-dalos siya. Nauwi sa wala ang lahat. Hindi pa rin niya natutupad ang pangako kay Nicko. Imbes na makaganti, lumalabas na siya pa ang nagamit ni Amber para sa kapakanan ni Darby Solano.

Leche.

Tumunog ang cp niya. Padapa niya iyong inabot sa sahig dahil nakakabit pa sa charger. Ang outlet naman sa kwarto, malayo sa kama.

"Hello, Ty." Sagot niya, hinaltak na sa outlet ang phone at charger.

"Hi, sorry hindi ako nakatawag kagabi. Ang kulit ni Sean, eh. Nakakahiya sa pamilya ni Blanche. Ginapos na nga namin."

"Si Sean?"

"Oo, tas tinawagan namin 'yung sister n'ya na nasa Ortigas. Hinatid pa namin dun. Iniwan na namin. Ewan ano'ng balak nung ate n'ya. Dapat pa-rehab na 'yun."

"E, si Amber?"

"Nauna s'yang umalis. Iniwan sa 'min si Sean."

"Um, Ty, nabasa ko 'yung advisory ng Security department, pinakita sa 'kin ni Mamsh. Iniimbestigahan pa raw kung sino ang kasabwat ni Ollie. Hindi pa ba malinaw dun sa video na si Amber ang kausap n'ya?"

"OO, nga, eh. Pero baka sabi lang nila 'yun para hindi magpanic si Amber at umalis...gaya ni Darby. Maybe they're just being careful kasi rin, Solano 'yun. Alam mo naman kung sino ang mga Solano dito."

"Sabagay." Buntonghininga na lang. Samantalang kapag siya, walang pera, walang koneksyon, may konklusyon agad ang mga awtoridad.

"Tungkol naman dun kay Darby, tinawagan ni Kim last night. Nakausap naman daw n'ya, choppy nga lang daw, hindi sila nagkaintindihan masyado."

"N-Nakausap ni Kim si Darby?"

"Oo. Gusto daw sana umuwi dahil nga kay Blanche, pero inadvise ng parents na 'wag na muna. At least, ganun raw ang pagkakaintindi ni Kim."

"Okay. Salamat, Ty. Pasensya na sa abala."

"Aw, c'mon, it's nothing. Busy ka ba ngayon?"

"Um, oo, eh."

Nanatili siyang nakahiga matapos makausap si Ty. Nakausap ni Kim si Darby. Ibig sabihin, nagtatago talaga ang walanghiya. Hindi...indisposed.

Ang kutob na hindi niya maisulat-sulat sa takot nga niyang magkamali ulit. Buti na lang sinarili niya ang nasa isip. Kung hindi, mukha na naman siyang...baliw.

Pero kung buhay na buhay pala si Darby, ano talaga ang rason kung bakit ginamit siya ni Amber at pinalabas na siya si Darby sa Instagram?

Shit, Nicko, ano ang totoo?

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now