Untitled Part 21

1.2K 55 0
                                    


HONESTLY, now that I'm here again, ayoko nang bumalik sa Manila." Sabi ni Mamsh. Nasa likod bahay sila, inaayos ni Paige ang mga halaman habang nasa recliner ang designer. Nagkukuwentuhan pa rin sila. Pakiramdam ni Paige, nagkakasundo na sila nang totoo.

Sabi ni Nicko noon, just be yourself. Ang mga tamang tao raw, tatanggapin siya. Ang mga mali, kagagalitan siya sa pagiging totoo. Tama nga siguro.

Kung puwede lang maging totoo sa lahat nang pagkakataon, she sighed.

"Ang sarap po kasi dito. Ang tahimik, tas ang ganda ng bahay n'yo."

"Parang ayoko na nga ibenta----"

May nagdoorbell nang sunod-sunod. Si Paige pa mismo ang tumakbo sa harapan para tingnan. Gulantang siya dahil dalawang pulis ang naroroon.

Hinahanap si Paige Hipolito.

Tatanungin raw tungkol sa aksidente ni Blanche kagabi.

"Ikaw ba si Paige Hipolito?"

"O-Opo."

"Puwede ka ba naming maanyayahan sa presinto, Miss Hipolito?"

"Ho?!"

"Paige?" Si Mamsh, nasa likuran na niya, "What is this about?"

"Good morning, po." Sabi ng isang pulis kay Mamsh. Inulit ang sinabi kay Paige.

"B-But why?"

"May mga katanungan lang po kami."

"Are you arresting her?" Parang hihimatayin si Mamsh.

"No, Ma'am...Sir--"

May humintong itim na kotse sa likod mismo ng sasakyan ng mga pulis. Middle-aged na lalaki ang bumaba, naka-khaki shorts, polo shirt. Golf shoes.

"Excuse me." Sabi nito sa mga pulis."I'm Attorney Al Recio. Miss Paige Hipolito is my client."

Napasinghap sa gulat si Paige. Noon lang niya nakita ang lalaki. Lalo namang wala siyang abogado. Nilapitan siya nito at binulungan, "Let me handle this. Just be quiet."

"Tatanungin lang po sana namin, Attorney." Sabi ng isang pulis.

"I'm advising my client not to say anything to you. So if you have something that would warrant an arrest, by all means, arrest her. If you have nothing, which I suspect is the case, then magsasayang lang tayo ng panahon. Miss Hipolito has nothing to say."

Nagkaroon pa ng diskusyon hanggang sa driveway ang abogado at mga pulis pero eventually, umalis ang huli, naiwan si Atty. Recio at lumapit uli ito sa kanila ni Mamsh.

"Pinakialaman ang scooter ni Blanche kaya siya naaksidente. Lmuwag ang gulong, nawala ang turnilyo or something. Nakita ka sa CCTV na may ginagawa sa scooter pero nakatalikod ka naman, hindi nakikita kung ano talaga ang ginagawa mo."

"Ho? E, may kinuha lang akong retaso dun sa gulong. Nakapulupot, naisip ko, baka mapahamak si Blanche, kaya hinila ko. Parang wala naman ho akong natanggal na turnilyo."

Tumango ang abogado, "They have nothing to arrest you, don't worry." Kumuha ito ng business card sa wallet, "Just call me if something else comes up."

Kinuha ni Paige ang business card.

"But why are you here, Attorney?" sabi ni Mamsh. "At the exact time na nandito ang mga pulis?"

"Papunta talaga ako dito. Nagkataon lang na nandito na rin pala sila." Tukoy ng abogado sa mga pulis. "Family friend ko ang mga Solano. Nakiusap sa akin si Amber, she explained the situation. She doesn't think you have something to do with the accident, Miss Hipolito."

Napanganga si Paige.

Si Amber.

A Solano just saved her ass.

Nagpaalam na ang abogado, "I have to get back. Don't worry about anything, Miss Hipolito. And Madam." Yumuko ito kay Mamsh.

"Thank you so much, Attorney." Mamsh shook the lawyer's hand.

Nang makaalis ang abogado, humarap kay Paige si Mamsh, "You're lucky to have friends in the right places."

"Wala talaga akong kasalanan, Mamsh." Kahit hindi siya nadala sa presinto, kahit may dumating na abogado, masama pa rin ang loob niya. Suspect siya! Ibig sabihin, may nag-iisip na capable siyang gumawa ng masama sa kapwa.

Bagay na..totoo naman kung ang purpose niya sa pagtatrabaho kay Mamsh ang pagbabasehan. Pero hindi pa naman niya nagagawa. Still, pakiramdam pa rin niya, guilty nga siya.

s i Ni s t e rWhere stories live. Discover now